Kabanata 27

279 9 0
                                    

Ex-girlfriend


It's been a week since my 17th birthday and everything is getting better, I guess.

Dad's now officially back as the Director and Chief Executive Officer of the company with Tita Helen as his Chief Operating Officer. Si Tita Ada naman ay isa sa mga nadagdag na bagong board members sa kompanya.

At hindi rin naman nila b-in-ring up ulit ang tungkol sa pagbabawal nilang pagpunta ko kina Tita. So it's good, as long as hindi nila ako pinagbabawalan sa freedom ko, I'm fine with everything.

At isa pa, madalas na wala si Dad at Tita Ada sa bahay. It's fine, actually. Kami lang dalawa ni Mandy ang nasa mansion— o ako lang dahil madalas din namang lumabas si Mandy kasama ang mga kaibigan niya. Niyayaya niya naman akong sumama pero mas gusto kong manatili na lang sa bahay at makipag-video call kina Tita at kay Andy. Hindi pa kasi ako makabisita sa El Valencia dahil busy naman silang lahat, maging si Andy na may unexpected na vacation sa Hawaii kasama ang family niya.

So, basically, I'm stuck with myself and Mandy who's always bothering me with her whereabouts. Kaya nga, iniiwasan ko na lang ang madalas na masugid niyang pagyayaya sa akin. Heck, I still can't go to bars because I'm a freaking minor but she keeps on telling me it's fine.

Pero siguro, may mga pangungulit niya lang talagang hindi ko maiiwasan ngayong sinundan niya talaga ako sa kitchen habang nagsasalin ako ng malamig na tubig mula sa pitsel.

Nakaupo siya sa stool sa may countertop, looking at me and telling me with her annoying smile that I don't have any choice but to agree with what she wants.

"Come on Cara, let's try out my new Nissan Micra." She grinned at me.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya 'saka inilapag ang ininumang baso.

"I don't want to die because of your reckless driving," mariin kong sabi nang naalala kung paano niya muntik nang maibangga ang bago niyang kotse sa fountain namin, ni hindi pa nga nakakalabas ng gate.

"Tinuruan na ako ni Mang Kanor kahapon habang nagsi-siyesta ka. I'm a fast learner, I can now drive!"

Kahapon. Nanliit ang mga mata ko. Kahapon lang siya natuto? Sinong maloloko niya rito?

I smiled sarcastically at her and she just rolled her eyes at me.

"Come on, mas mabuting nandiyan ka dahil kapag nadisgrasya ako tapos unconscious na, at least nandiyan ka para makatawag ng ambulansya!"

"Sa galing mong magmaneho, paniguradong tayong dalawa ang unconscious nito."

Our argument lasted for about five minutes until she successfully forced me to go with her. Ngayon niya pa talaga naisipang magmaneho na day off ng driver na si Mang Kanor tapos 'yong dalawang iba ay kasama ni Dad at ni Tita Ada na may appointment daw sa architect para sa renovation ng building ng kompanya.

Some of our househelps watched us to sent us off the gates. At least I'm relieved that they know we are off to El Valencia. Dahil kung unfortunately, mabangga na naman ni Mandy ang sasakyan, may ko-contact na sa ambulance.

Mabuti naman at nasimulan naman ni Mandy ng maayos ang pag-start sa sasakyan kahit dahan-dahan lang. Pero nang tuluyan na kaming nakalabas sa gates ay unti-unti nang bumilis ang pagmamaneho niya.

"See? Ang galing ko na kaya," pagmamayabang niya nang nakalampas na kami sa subdivision namin.

I nodded at her lazily and made sure that I fastened my seatbelts properly.

"Just don't drive too fast. Saan ka ba kasi pupunta?"

"Mamamasyal sa El Valencia, bibisita kay Luci." She giggled.

Hurricane (Disaster Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon