Kabanata 13

310 15 2
                                    

Thunder

"This should be done like this," he said, his forehead creased as he examined my answer and wrote another equation.

Pasimple akong bumuntong-hininga dahil sa mali kong pagkaka-solve sa item number three.

Nang pinagmasdan siyang i-solve ulit 'yon habang ini-explain sa akin, parang andali lang namang gawin kaya nanliit ako sa kinauupuan ko.

"Do you have any questions about this?"

Tumingin siya sa akin kaya agad akong umiling at binagsak ang mga mata sa papel kung saan nakasulat ang equation niya.

His handwriting was bold but still the ink seemed to have fluidly marked the paper, it was good and manly, no matter how much I want to deny that it isn't.

Nagsimula akong mag-solve ulit, ngayon ay ina-analyze ko ng mabuti ang equation niya bilang example. Nakakahiya kung magkakamali na naman ako sa harapan niya.

Nakatuon lang ang atensyon ko sa papel nang marinig ko ang pagbukas ng tarangkahan nila.

Napaangat ako ng tingin sa pag-aakalang si Gael ang dumating pero kaagad ding napakunot ang noo dahil sa hindi ko inaasahang pumasok.

"Luci!" Mandy smiled widely as she walked towards us.

Her tanned skin glistened under the heat of the sun, her jet-black hair down on the sides of her shoulders as she's wearing a white spaghetti strap shirt and a faded short shorts that displayed her long and slender legs.

Pumupunta si Mandy rito? Is it because they're in a relationship? Pero akala ko ba si Elise?

Nang dumako ang tingin ni Mandy sa gawi ko ay kaagad na pumaskil sa ekspresyon niya ang pagtataka.

"C-Cara? Hi!" Kaagad na nakabawi si Mandy at agad akong nginitian ng matamis.

"Hi, Mandy." I smiled which she ignored. Her attention now on Luci.

"Anong ginagawa niya rito?" tanong niya.

I raised my brows. Kung makatanong siya kay Luci ay parang wala ako rito ah? Well, whatever. This is kind of awkward. We're sisters but it seems like we're not. Maybe we should bond and get to know each other better?

"I'm teaching her," Luci drawled.

He's bored? Dahil sa kakaturo sa akin? Maybe he wants us to finish immediately right now so he can give Mandy his time? Nang dahil sa iniisip ay napaismid ako.

"Oh, akala ko sasama ka sa amin sa Arena Fina?" Naupo si Mandy sa kaliwang stool katabi ni Luci habang ako naman ay nasa kanan.

"No, I already told you about it yesterday." Luci shot me a glance which I ignored and pretended to be solving another item.

"Come on, Luci. We are supposed to celebrate right now! Included ka na naman sa dean's list." Mandy leaned closer towards Luci.

Luci, included in the dean's list? Well it's not quite surprising. He seems to be really intelligent. But thoughts about being amazed with his achievement immediately faded when Mandy leaned more towards him, her big boobs is now almost touching the side of his arms.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa gawi nila. Ano? Maghaharutan sila kahit may ibang tao rito?

"Cara? Kahit saglit lang? Ngayon lang naman. Luci needs to loosen up." Baling ni Mandy sa akin.

Kaagad akong tumango ng walang pag-aalinlangan. She's right, Luci needs to celebrate it. At isa pa, ayaw kong magtagal pa rito dahil sigurado akong maghaharutan lang sila sa harapan ko, hindi rin ako makaka-focus.

Hurricane (Disaster Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon