Kabanata 8

363 11 0
                                    

Tutor

It was a long and tiring day at school and what our class adviser announced after the afternoon classes made me feel so bad about myself.

I got ninety plus in almost all of my subjects except the subject that I dislike most. Calculus. I got a flat eighty.

Alam kong hindi na masama dahil hindi naman bagsak pero maaapektuhan pa rin nito ang buong grades ko. And I don't know what I'll do, I just feel so disappointed with myself.

Before, I always think that grades are just numbers but the moment that Mom and Dad broke up, my grades are the only thing that I can get to make them proud of me.

That even if I wasn't enough to make them stay, at least I can be a good daughter through showing them that I still do look up to everything that they taught me, to what they want me to be. An achiever.

Napabuntong-hininga ako at basta-basta na lang ibinagsak ang katawan sa kama. Walang pakialam kahit magusot man ang uniform na suot pa rin.

Isang katok mula sa labas ng pintuan ang nakapagpabangon sa akin mula sa pagkakahiga. Matamlay akong nagtungo para buksan iyon.

"Maghahapunan na raw po," bungad ni Manang Letty, na isa sa pinakamatagal nang kasambahay nila Tita.

I slightly combed my messy hair, a bit embarrassed that Manang Letty had to call me up here for dinner.

"Sige po, susunod na po ako agad sa baba."

Nang makaalis si Manang Letty ay hindi na ako nag-abalang mag-shower pa gaya ng nakagawian tuwing umuuwi galing school. Agad akong nagbihis ng mabilis, nahihiyang paghihintayin pa talaga ng matagal sila Tita sa hapag.

Nang nakababa ay kompleto na sila Tita sa dining table at ako na lang ang tanging hinihintay. Tahimik akong umusal ng paumanhin dahil pinaghintay ko pa talaga sila.

"You seem like you are not your usual self." Mapanuri ang tingin ni Tita nang pagmasdan akong umupo na.

"Baka may problema ka hija? Alam mo namang pwede mo kaming sabihan."

Napaangat ako ng tingin kay Tito Gilbert at bahagyang ngumiti. Tita and Tito have stood up as my parents eversince Mom and Dad got divorced.

Alam ko namang mapagsasabihan ko sila ng problema pero hindi ko maiwasang magdalawang-isip at mahiya pa rin sa kanila.

"Ah... wala naman po, pagod lang po galing school."

Tita raised her brows at me.

"Sigurado ka, Cara? Huwag mong sinasarili ang mga problema mo. Nandito naman kami."

"Wala po talaga, Tita. Nakakapagod lang po kasi andaming activities ang pinagawa."

Tita looks a bit unconvinced but still nodded to what I said and continued eating. Itinuon ko na rin ang pansin ko sa pagkain pero si Kuya Ezra at Kuya Eisen ay sumusulyap-sulyap pa rin sa akin at tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

Nang natapos na ang hapunan ay hindi nga ako nakatakas sa mga tanong nila Kuya Ezra at Kuya Eisen na agad akong inusisa at sinundan pa talaga ako sa pag-akyat.

Agad akong huminto sa labas ng pintuan ng kuwarto ko at nilingon silang pareho.

"May manliligaw kang iniwan ka sa ere dahil hindi makapaghintay sa 'yo kaya nanligaw ng iba?" kaagad na tanong ni Kuya Eisen sa akin.

I gasped and can't help but laugh with what Kuya Eisen said.

Seriously? Manliligaw na nanliligaw ng iba?

Dapat ko pa ba talagang problemahin ang mga ganyan? H'wag na lang 'no, mas karapat-dapat pa 'atang iyakan at pagmukmokan ang papabagsak kong grade sa Calculus.

Hurricane (Disaster Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon