Unfair
Saturdays and Sunday afternoons has secretly became my favorite days for a personal reason.
At ngayo'y hindi ko na mapigilan ang kumakawalang ngiti sa labi matapos makapagpasalamat sa paghahatid sa akin ni Mang Edgar kagaya ng nakagawian sa tuwing pumupunta ako rito para maturuan.
Hindi naman nakasarado ang gate nila Luci kaya agad akong pumasok. Gaya ng pangkaraniwang araw ay sobrang tahimik lang ng lugar at tanging tunog lang ng gangis ang nag-iingay. Malapit na rin kasi ang summer.
Napakunot ang noo ko nang napagtantong sobrang nakakapanibago na wala si Luci na nakaabang palagi sa tuwing dumadating ako.
The round table under the mango tree is unoccupied and the swing behind it is slightly creaking because of the wind's gentle blow.
Nakabukas naman ang pintuan ng bahay nila. Wala si Gael dahil hindi naman nakaparada sa garahe nila ang bagong sasakyan nito.
Pero siguro hindi naman umalis si Luci dahil ang tanging naiwan lang doon sa garahe ay ang pickup at bike niya.
"Tao po?" I called as I knocked on their open door.
Walang sumagot pero dahil sa katahimikan ay narinig ko ang kalansing ng mga kubyertos na nanggaling sa may malayong kusina nila.
I knocked and called again. Ilang sandali lang ay lumabas galing sa kusina ang caretaker nila.
She isn't approachable like the last time but I tried to give her a smile to be friendly and make myself comfortable under her heavy stare.
Nagpupunas siya ng kamay mula sa hand towel na dala nang lumapit sa akin. Nanatili akong nasa pintuan, hindi pa rin pumapasok.
"Good morning po. Nariyan po ba si Luci?"
Bahagyang kumibot ang sulok ng labi niya, tila may nasabi o nagawa akong mali. I bit my lip.
Maybe I greeted her in a disrespectful way?
"Naroon sa taas, sa kuwarto niya. Pasok ka muna," anyaya niya.
Napangiti ako sa pagyaya niya. She's intimidating but maybe, this is just the way she is.
Iminuwestra niya ang upuan nila, inaanyayahan akong umupo kaya ganoon ang ginawa ko.
"Napaaga po yata ako. Siguro natutulog pa si Luci?"
Binalingan ko siyang naglalakad na patungo sa kusina para siguro ipagpatuloy ang ginagawa.
"Bababa rin iyon, may inaasikaso pa... hintayin mo na lang saglit," huling sabi niya bago tuluyan nang bumalik sa kusina.
I took a glance on my wrist watch. It's eight thirty, usual na oras ng pagpunta ko rito.
Siguro napuyat si Luci? Napansin ko pa naman na sobrang busy ng college students ngayon.
A bit worried that he needs some rest, I considered of going home and just leaving him a note but their caretaker came back again in the living room, talking to someone on the phone.
Saglit siyang tumigil sa pakikipag-usap sa kung sino sa phone bago ako binalingan ng tingin.
"Hija, pwede bang pakitawag si Lucius sa taas? May importante kasing tawag mula sa Papa niya at hindi ko maiwan iyong nilulutong breakfast," nagmamadaling sabi niya, naaabala sa nilulutong naiwan sa kusina.
Kaagad akong tumango bago pa siya makabalik sa kusina. Nang makaalis na siya ay 'saka ko pa lang napagtantong kailangan kong pumunta sa kuwarto ni Luci.
But what if he's asleep? Should I wake him up?
Unang beses ko 'tong umakyat sa wooden staircase nila. Nang nakaakyat ako ay bumungad sa akin ang apat na pintuang nakahilera.
BINABASA MO ANG
Hurricane (Disaster Series #1)
RomanceCarmina Rosalia Herrera is a girl who finds the myth of love cliche. Electric sparks shooting inside the system, butterflies fluttering inside the stomach, fast heartbeats, it's all too made up. But then one day, all of her perspective about it got...
