Kabanata 38

453 11 0
                                        

Nice to Meet You

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay parang wala sa huwisyo ko lang na ginawa ang lahat. Nagpaalam sa mga kasama at nag-drive pauwi habang nakasunod lang sa likod ng sasakyan ko ang Donahue Alcuesta niya kahit pa kayang ungusan nito ang sobrang bagal na pagmamaneho ko.

Pagkauwi na pagkauwi ko, sinubukan kong matulog pero bumabalik sa akin ang lahat ng nalaman.

And it still didn't dawn into me. I've spent so much time blaming myself only to find out that it was all pointless self-deprecation...

I've worn myself down by allowing thoughts that constantly trampled me to the ground.

And I hate myself. Dahil kahit sa kabila ng lahat ng nalaman, may parte sa aking naiintindihan ang ginawa ni Loreen. She was desperate... siguro ang panahon na iyon ang pinakamadilim para sa kanya.

Hindi niya matanggap ang sariling ginawa kaya kinailangan niyang may sisihin na iba. I don't know how she felt but maybe it was too painful.

And somehow, somehow... I can't seem to hate her for blaming me. I don't know how I have it in me but I understand her.

I am not normally like this. Hindi ako sobrang mabait na aabot na sa point na kaya kong akuin ang kasalanan ng iba. But the I way see it and realize the things that has happened in the past, I realized I shared the pain she felt.

And I swear that this is not me but maybe all the things that I've been through was all okay. Naiintindihan ko siya...

I slept after all the thoughts with serenity within me. Parang nabawasan ang bigat na nakadagan sa dibdib ko, sobrang gaan sa pakiramdam.

The next day, I woke up to the ringing of my phone. It was Mom and Rafaela who called. We then talked like how we usually do simula nang nakauwi ako rito.

Matapos ng tawag namin ni Mom ay hindi na ako nakakilos ng maayos para makapag-shower dahil wala pang ilang segundo ay nag-ring na naman ang phone ko.

I bit my lip and swiped the screen to answer Andy. May atraso pa naman ako sa kanya.

"Why did you left the beach resort on the third day? Pang-whole week 'yon!" bungad niya agad sa akin.

"I'm sorry! Something came up. When you come home, babawi talaga ako."

"Oh? Anong nanyari?" ngayon ay napalitan na ng pag-aalala ang boses niya.

"Asmodeus got into an accident. But he's all okay now. Nagpapahinga na lang."

Humaba pa ang usapan namin hanggang sa nadulas ako at hindi na napigilan pa ang pagtatanong tungkol kay Lucius Alcuesta.

"What? Si Kuya Luci? Lifeguard? Baka nagkakamali ka? Siya na ang nagha-handle ng Donahue Alcuesta simula no'ng gumraduate siya."

Weird. So ano 'yon? CEO siya ng isang luxury car brand tapos part time job niya ang pagiging lifeguard? I mean... okay.

"I thought it's Ellia that's handling their company right now?"

"Hmm... he represents Donahue Alcuesta sometimes, when Kuya Luci is busy. But he has a company of his own. Ellia's focusing on the shipping lines."

"Okay... about do'n sa resort, babawi ako pagkauwi mo. When will you be going home?" I said, trying to change the topic.

"Next week! Kaya h'wag ka munang ma-bored diyan. Mapapaaga ang pag-uwi ko because I've closed a deal in Singapore! This is the first matter that Dad ever trusted me and it's a success!" excited na kuwento niya.

Hurricane (Disaster Series #1) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon