Young
"Cara, bilisan mo! Mahuhuli na tayo sa symposium na gaganapin sa function hall," hindi mapakaling sabi ni Andy.
I looked up at her and returned my gaze to our research paper. Bakit ngayon pa kasi gaganapin ang symposium na 'yan? Ang sayang naman ng oras. May research pa kaming kailangang i-polish.
Napapabuntong-hininga, ay iniligpit ko na ang folder ng research papers namin para makapunta na sa function hall.
Pati ang mga classmates namin ay ayaw nang umalis sa kinauupuan nila at gustong asikasuhin na lang ang research pero required kasi ang attendance namin sa symposium ngayon.
Halos buong klase namin ay sabay na pumunta sa function hall. Pagdating namin ay pinagtitinginan na kami ng mga naunang estudyante roon, late na kami at may idini-discuss na ang host sa harap.
"Oh ayan, late na tayo," bulong sa akin ni Andy.
"Guys, umupo na tayo. Nakakahiya, pinagtitinginan na tayo," isa sa mga classmates namin na nagpatiuna na sa bakanteng monoblock chair.
Nagkukumpulan ay kaagad na sumunod naman ang lahat. Ang principal namin ay disappointed na nakamasid sa section namin. Nakakahiya.
Wala na akong nagawa nang ako ang nahuli at kailangan kong umupo sa monoblock na nasa pinakadulo malapit sa may aisle katabi ang mga grade twelve na nando'n na.
Nahahati ang grupo ng mga monoblocks sa magkabila. Sa kaliwa ay ang college, at sa kanan naman ay kaming mga senior high.
Si Andy ay nasa unahan na nililingon ang kinauupuan ko. Ngumiti ako sa kanya para imuwestrang ayos lang.
Nakatuon na ang atensyon ko sa harapan para makinig sa nagsasalitang host nang marinig ang hagikhikan at bulungan mula sa mga grade twelve na katabi ko.
My forehead creased, I heard them mention my name. Do they know me? I really don't know anyone from grade twelve.
I decided to ignore what they're whispering about and averted my attention back to the front.
"Uhmm... Hi, Cara," a boyish voice said beside me.
Napalingon ako sa katabi ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtantong si Theo iyon, 'yong naghintay sa akin sa gate noong nakaraang araw!
Ni hindi ko man lang napansin na siya ang katabi ko dahil sa pagmamadaling makaupo.
I don't know how to exactly react because we just chatted once and we're not even close so I just nodded hesitantly. Now I remembered how embarrassing that scene at the gate was.
His friends beside him are grinning widely. It made me quite uncomfortable that I shifted on my seat and tried to focus on the speaking host in front.
Tumikhim ang katabi ko at bahagyang inilapit ang upuan niya sa akin. Bahagyang napataas ang kilay ko at sinubukang iusog ang upuan palayo pero napagtanto kong lalagpas lang ako sa linya kaya hinayaan ko na lang at ako na mismo ang umusog sa dulo ng upuan ko.
"We're friends right?" I can surely hear his wide grin as he speaks.
What? We're friends? Since when?
"Yeah, sure, we're acquaintances."
Bahagya ko lang siyang nilingon at nagpanggap na nakikinig talaga sa host kahit na hindi na ako komportableng siya ang katabi ko.
This is the first time that I felt uncomfortable about a boy. I mean, I feel uncomfortable with Luci too, but it was a different type of uncomfortable... I don't know.
BINABASA MO ANG
Hurricane (Disaster Series #1)
RomanceCarmina Rosalia Herrera is a girl who finds the myth of love cliche. Electric sparks shooting inside the system, butterflies fluttering inside the stomach, fast heartbeats, it's all too made up. But then one day, all of her perspective about it got...