Kabanata 7

333 13 0
                                    

Teach


Dumaan na lang ang Sunday, hindi ko pa rin mahanap sa kahit saang sulok ng Arena Fina ang silver bangle ko.

Nag-renta na nga ako ng bangka kasama si Kuya Eisen na tinulungan ako papunta sa Isla del Deseo. Pero sa kasamaang palad, hindi ko pa rin nakita.

Nang nag-Monday na ay matamlay akong naglakad sa malawak na field papuntang classroom.

I looked down on my wrist, feeling so incomplete now that my silver bangle is gone. The thought that it really did sink down below the ocean made my heart so heavy.

"Cara! Nakita mo na ba? Sorry, hindi kita nasamahan kahapon sa paghahanap. Nag-promise kasi ako kay Mommy na sasamahan siya sa spa," si Andy na kaagad akong sinalubong.

May dala siyang yellow pad at dalawang libro sa kamay. Calculus.

"Hindi e, hindi namin nahanap ni Kuya Eisen." I smiled sadly.

But I think I really need to let it go huh? Kailangan ko na lang tanggapin na lahat ng mga bagay, kahit gaano mo iniingatang mabuti, hindi pa rin magtatagal.

"But anyway, I think I'll just buy... a replacement," dagdag ko para iwaglit na ang mabigat na pakiramdam.

She was hesitant at first before showing me the Calculus books in her hands.

God, how I dislike that subject.

Formulas are abominations!

Ewan ko ba, pero sa tuwing nasusulyapan ko na ang mga numbers at mahahabang formulas, parang nahihilo ako at nasusuka.

Is it an exaggeration? No, that's exactly how I feel!

"Wala kasi si Ma'am Almacen at iniwanan lang tayo ng by pair na activity. Gumagawa na ang lahat sa library," sabi niya, napapangiwi.

If there's one thing that's common about me and Andy, it's how we are both not good when it comes to Math. And it sucks, because we can't teach each other about topics in Calculus that are a pain in the ass.

"Uhmm... pwede bang dalhin mo muna 'to sa library? Mauna ka na roon. K-Kailangan ko na talagang pumunta sa restroom."

'Saka ko pa lang napansin ang pamumutla niya, parang hindi siya mapakali sa kinatatayuan. Kaagad ko namang tinanggap ang hawak niyang libro.

"Okay ka lang?"

Tumango lang siya at lakad-takbong nagtungo na sa direksyon papuntang restroom.

Nag-aalala kong tinanaw ang papalayong si Andy. Anong nangyari roon? Masakit ba ang tiyan niya?

Nang pumunta akong library ay nakita kong nagkukumpulan na ang mga classmate ko sa iisang table, nagkokopyahan siguro ng sagot.

Minsan nga, nate-tempt akong lumapit sa kanila para magtanong sa answer. But if I'll just ask them about it, then I will never learn.

Sinusubukan ko namang matuto sa bawat lessons pagdating sa Calculus kahit sobrang sumasakit lang ang ulo ko.

Napili kong pumuwesto sa may table sa pinakasulok. Kadalasan ay college students na ang umuupo rito. Pero ngayon, wala namang masyadong nakapuwesto at tatlong nursing students lang ang natatanaw ko sa may kalayuang table.

Binuklat ko ang libro at ang iniwang activity para sa amin.

Application of Derivatives I - Optimization.

Wait- What? Nag-absent ba ako sa topic na 'to? This might be an easy topic but I just can't recall the lessons, like I've experienced amnesia after the intramurals and exams.

Hurricane (Disaster Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon