Kabanata 11

316 12 1
                                    

Defense


"Good news, Cara!" I smiled upon hearing Dad's voice on the phone.

Sa mga nakaraang linggo, napapadalas na ang pagtawag niya sa akin. While Mom is out of reach and went to a vacation in Maldives with her daughter.

My sister, Rafaella, who's just five years old is quite intelligent for her age, that it made me quite relieved that she's with Mom.

"Yes, dlDad, what is it?" I asked with anticipation.

"Pino-process na ang mga papel para kay Mandy, magiging kapangalan mo na siya. Don't you think we should celebrate this? She's finally gonna be Mandelaine Herrera!"

Unti-unting napawi ang malapad na ngiting nakapaskil sa labi ko. Napabuntong-hininga ako. And here I am, thinking that he's called because he wants to ask if I'm doing fine. I know that I shouldn't be selfish, but everything's just too sudden for me.

And... I don't like Mandy.

"At hindi lang iyan, magta-transfer na siya sa school na pinapasukan mo, bukas!"

Dad's happy voice made my heart ache. It's been five years since my parents got divorced and this is the first time that I heard Dad being happy again.

Unti-unti, ay pumaskil muli sa labi ko ang ngiti. Masaya si dad, iintindihin ko pa ba ang pagtatampong nararamdaman? Wala sa lugar, at hindi dapat.

"Well, that's good news Dad, I hope Mandy and I can really get along well," I sincerely said.

Alam kong hindi masyadong maganda ang naging unang pagkikita namin ni Mandy pero siguro naman kapag nakilala na namin ang isa't-isa, magugustuhan ko rin siya bilang kapatid.

"Of course, Cara. Mandy is a nice girl and it's not hard to like her while you... Cara, anak, please fix your attitude."

Natigilan ako sa sinabi ni Dad at napatango na lamang sa sarili.

"Opo dad, I'm sorry..." tanging nasabi ko.

Natapos na lang ang tawag, nanatili pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Dad. Maybe I am too selfish, and self-centered.

Days passed and it's finally the defense for our research. Maraming estudyante kagaya ko ang nakaupo sa mga monobloc chairs sa hallway ng fourth floor, naghihintay na matapos ang grupong nauna nang pumasok.

"Paki-explain nga ulit sa akin 'tong theoretical framework, Cara. Wala nang pumapasok sa isipan ko." Napahilot si Andy sa sentido niya, hindi mapakali sa kinauupuan.

Lima kami sa grupo ng research namin. Ako, si Andy, si Blair na tahimik lang sa tabi habang binabasa ang research papers namin, 'tsaka sina Rico at Angelo na seryosong nagbabatuhan ng tanong tungkol sa research topic.

Inilapit ko ang upuan kay Andy para ma-explain sa kanya ng maayos ang theoretical framework namin. Naintindihan niya na 'to noon pa, pero tingin ko, masyado na naman siyang kinakabahan kahit matagal pa naman ang turn namin sa defense.

"Cara, may naghihintay raw sa 'yo sa second floor, Theo Suarez daw," si Emi na umalis pa talaga sa discussion ng grupo nila para lumapit sa gawi namin.

Napakunot ang noo ko. Theo Suarez? Ano na naman ang ginagawa ng lalaking 'yon? Atsaka naghihintay?

Isang linggo na ang nakalipas simula nang nagkausap kami sa symposium kaya nakakabigla namang naghihintay siya sa akin ngayon. Ni hindi na nga ako nagre-reply sa mga chat niya.

"Pababa ako, sasabihin ko bang magpapahintay ka?" Malapad ang ngisi sa labi ni Emi, nanunukso.

Si Andy naman ay nakamasid na sa reaksyon ko, walang kaalam-alam sa kung sinong tinutukoy ni Emi dahil hindi ko naman nasabi sa kanya ang tungkol kay Theo.

Hurricane (Disaster Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon