Trespassers
Patuloy pa rin na bumubuhos ang malakas na ulan. Kagaya ng mga pangkaraniwang araw ay wala pa ring katao-katao ang isla, tanging mga mayayabong na puno at mga talahib lang ang nakapalibot sa mansion na nasa tuktok ng burol.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" Nanginginig na humalukipkip ako.
Luci went near me after tying the boat near a big rock. He ran his fingers through the shock of his wet jet-black hair that fell haphazardly over his brooding eyes.
He is topless and his board shorts hang low on his hips.
"Let's go inside the mansion, you're cold," sabi niya at nagsimula nang maglakad.
What? What did he just say? Papasok kami sa mansion? Sigurado siya?
"But that's trespassing!"
Pero tila wala siyang narinig at patuloy lang na naglakad patungo sa stone paths na pinapagitnaan na ng mga talahib.
I stood still. The rain seems to have no plans on stopping, it poured relentlessly and the flash of lightning from afar made me jump and run towards Luci.
"W-wait for me." I tightly held his arms.
Lumingon siya sa akin, ang matang natural na seryoso at may halong bagsik ay lumambot.
Inalalayan niya ako sa pag-akyat sa medyo madulas na stone paths.
Urgh! Naiirita ako sa kanya, naiirita akong kami pa talagang dalawa ang magkasama ngayon pero papairalin ko pa ba ang pagkakairita ko at hindi pagiging komportable sa kanya ngayon?
"You're cold, where's your shirt?" tanong ko nang napansin na wala siyang pang-itaas na damit.
He glanced at me through his periphery and chuckled. It came out as a low rumble from the back of his throat because of the coldness.
"Natapon mo noong tumayo ka sa bangka." His broad shoulders shrugged.
Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Naitapon ko ang shirt niya? Eh paano na ngayon na sobrang lamig at patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan?
"I–I'm sorry," I guiltily said.
"It's okay, watch your steps please." Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa palapulsuhan ko.
Nasa kalagitnaan pa lang kami ng mahabang stone paths. Ang kinakalawang nang tanso ng matayog na gate ay nasa pinakatuktok at may makakapal na kadena ang nakapalibot dito.
"Paano tayo makakapasok?" I asked him when we're finally in front of the gate.
"Kailangan nating dumaan sa gilid, may daanan doon papasok sa loob." He pointed at the direction blocked by thick unmaintained shrubs.
Napamaang ako dahil do'n. Paano kung may palaka? May kung anong insekto? May ahas?
"What? Are you afraid?" Umangat ang isang sulok ng labi niya habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.
Inirapan ko siya. At dahil gustong ipakita sa kanya na matapang ako'y nauna na akong umapak sa mamasa-masang damuhan kahit may pagdadalawang-isip man sa kung ano ang nasa mga makakapal na talahib na nadadaanan.
Luci trailed behind me. The broad and hard feels of his shoulders slightly touched my back as his arms blocked my vision to part the twigs and branches of the tall shrubs blocking our way.
Napapitlag ako dahil sa pakiramdam na sobrang lapit lang naming dalawa. Mas bumuhos pa ang lakas ng ulan at kasabay nito ay ang unti-unti ring paglakas ng kung ano mang nakakairita na dagundong sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Hurricane (Disaster Series #1)
RomanceCarmina Rosalia Herrera is a girl who finds the myth of love cliche. Electric sparks shooting inside the system, butterflies fluttering inside the stomach, fast heartbeats, it's all too made up. But then one day, all of her perspective about it got...