Dust-like Sparkles
"Did your Dad already call you about it?" Tita Helen asked while we were having dinner.
Mahina akong tumango. Tita raised her eyebrows because of that. Ang asawa niyang si Tito Gilbert ay nakamasid lang sa amin habang nakikinig lang sila Kuya Ezra at Kuya Eisen.
Dad called me when I got home from school, I thought he was gonna ask if I'm fine but he just surprised me with what he told me.
I have a half sister almost my age.
Halos limang buwan ding hindi sila nagpaparamdam sa akin nila Mom tapos tatawag ang isa sa kanila hindi para mangumusta kundi ibalita ang ganito? Nakakawalang gana.
Turns out it wasn't just Mom having an affair. Dad had his fair share too. He even cheated first, if I'm gonna base it on his other daughter's age. She's two years older than me!
I don't wanna be pretentious and say I accept my half sister. I was a Daddy's girl and I still am. And knowing that I have a half sister? I just don't know what to do.
Iyon ngang nag-cheat din si Dad mahirap nang tanggapin tapos dadagdag pang may anak siya sa ibang babae? And why half sister? Why not half brother? I'm gonna be honest, I don't want my sibling from another woman be a girl.
Pakiramdam ko kasi, aagawin niya sa akin ang lahat. It's my insecurities, and me being an only daughter, that is telling this right now. Hindi ko matatanggap ang half sister ko.
"Ang sabi ay napagdesisyonan na raw ni Oliver na paghahatian n'yo ng half sister mo ang lahat ng kanyang ari-arian pagtungtong niyo ng twenty-one." Tita's expression turned grim.
I looked at Tita Helen unbelievably. Talaga? Pati pala ito napagdesisyonan na? I feel so betrayed by my own father. But what can I do? Sinabi na niyang anak niya rin ito.
And it's not about the money or properties, it's about what how I'm feeling towards this.
"Ewan ko ba riyan sa kapatid kong 'yan at padalos-dalos ang kilos! Paano pala kung hindi niya 'yon anak? Hay naku! Uto-uto pa naman minsan 'tong si Oliver!" Gigil na tinusok ni Tita ng tinidor ang ulam niya.
We can't do anything about it. Nakuwento nga sa akin ni Dad na tumawag daw sa kanya ang dating nakarelasyon at ipinaalam na may anak sila.
I had a little doubt about that too. Bakit sa hinaba-haba ng panahong lumipas, ngayon pa pinaalam sa kanya?
Maybe because Mom and Dad already broke up? But no, Mom and Dad broke up when I was twelve. Apat na taon na ang nakalipas tapos ngayon lang ipinaalam?
Pero si Dad na ang mismong nagsabi na anak niya 'yon kaya wala na kaming magagawa pa tungkol do'n. He doesn't even need a DNA test to confirm if it really is his daughter.
Tss... Lukso ng dugo lang?
Nanatili ang usapan na 'yon sa isipan ko kahit pa nandito na kami't nakaupo sa pinakadulong hanay ng bleachers na nasa itaas.
Kasalukuyan kaming nanonood ng basketball playoffs ng Senior Highschool Department dahil unang linggo ngayon ng intramurals sa school.
It was fun until I remembered that we are still going to have our exam after the intrams.
"Go, Dustin! May admirer mong natulala na dahil sa kilig dito! Galingan mo!"
Andy, shamelessly shouting so loud, stood up and pointed down on me making me snap out of my reverie.
Dustin, sweaty because of the game, but still looking so immaculately clean, glanced at our direction for a while before focusing back on the game.
Napasinghap ako dahil sigurado akong nakita niyang ako ang itinuro ni Andy lalo na't nasa pinakadulo kami ng bleachers at kitang-kita ang puwesto namin.
BINABASA MO ANG
Hurricane (Disaster Series #1)
Lãng mạnCarmina Rosalia Herrera is a girl who finds the myth of love cliche. Electric sparks shooting inside the system, butterflies fluttering inside the stomach, fast heartbeats, it's all too made up. But then one day, all of her perspective about it got...
