Bite 42

956 48 2
                                        

Guitarella: Pagpasensiyahan na po ninyo aag mga typos ko. Haha. Medyo tinatamad pa kasing iedit. But I promise, matapos 'to. I will edit this. Thanks again readers!

------------

*Bite 42

~Always speak for what you feel and never be sorry for being real.

-

Ember's POV

Dalawang buwan na ang nakalipas. Dalawang buwan na wala pa rin akong magawa-gawa. Nakalabas na din sa hospital si Lance after a month and still recovering pa rin hanggang ngayon. Nakakalakad na din siya. He's still the same.

Nanalo ako sa contest pero second lang. Okay naman din yun kesa sa matalo. Piano kasi yung gamit nung nanalo. Over all champion pa rin kami nung intrams kaya may Graduation ball daw kami.

Ganun pa rin ako. Walang pinagbago. Walang nagawa. Kahit natotorete na ako sa kanya minsan. Ganun pa rin kami ni Lance. Actually, ngayon ang monthsary namin.  December 9 to be exact.

Ang mga nangyari sa loob ng dalawang buwan? Si Kysler at Ms.Lynie..sila na. Si Hannah at Althen ganun pa rin. Si Eunica at June, mukhang lumalala pa rin ang bangayan parati.

Si Darren, palaging bumibisita sa bahay. Sinusundo ako pa minsan-minsan. Hindi ko alam sa kanya kung bakit niya ginagawa yung mga 'yun. Kung tatanungin ko naman siya, ang sagot ay bumabawi lang daw siya. Nagtangka na nga sana akong umamin e. Kaso umaatras ako palagi.

Hindi ko alam kung ano ang matatawag niyo sa akin. Tanga, mapaglaro, paasa o kung ano man. Mahirap talaga e. Hindi ko parin magawa-gawang iwanan si Lance. Mahigpit e. Baka kasi kung ano na naman ang mangyari sa kanya kapag nasabi kong ayaw ko na.

Sa dalawang buwan, si Jaylla? Mukhang ganun pa rin naman. Pero sigurado akong, palihim niyang pinagmamasdan si Lance. Makikipagkaibigan nga sana siya kay Lance kaso ayaw naman ni Lance.

Kaya ngayon, nandito na naman kami sa may Lake. Kaming dalawa lang ni Lance. Monthsary? Hindi ko akalaing 3rd monthsary na namin ngayon. Nakaupo ako ngayon sa damuhan habang siya'y nakahiga at ang ulo niya'y nasa lap ko.

"Girlfriend ko..." malumanay na sabi ni Lance.

"Hmmm?"

"Third monthsary na natin no. Sana umabot sa forever" saad niya pa.

Hindi ako nakasagot. Mali ito. Maling-mali. Ngumiti lang si Lance sa akin atsaka hinipo ang kamay ko.

"Youre still  beautiful Dawn" he said.

"Bolero" sabi ko at tumawa.

"Tsss. Wala ka bang tiwala sa akin?"

Tiwala. Ni pamilya nga niya, hindi niya maipakilala sa akin e. Nahihiya naman akong magtanong sa kanya. Baka, alam na.

"Haha! Binibiro lang naman kita Em" sabi niya at pinisil yung kamay ko.

"Cloud nine ka Nathan.." sabi ko at tumawa na lamang. Hay, ang hirap talaga.

Tumayo naman siya at inalalayan niya din akong tumayo.

"Tara na?" Ani niya at inin-twined ang kamay niya sa kamay ko. Tumango lang naman ako.

-

Pagkadating namin sa tapat ng bahay, bigla akong nakaramdam ng kaba. May nakalimutan ba ako?

"Dawn, samahan na kita sa loob" sabi ni Lance.

Wala naman na akong nagawa kasi nauna na siyang pumasok sa akin. Nang malapit na kami sa may pinto, may nagtakip ng mata ko. Psh. Piniringan ba naman ako.

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon