*Bite 13
Ember's Pov
Bigla akong kinabahan sa aura ni Hannah. Yung tipong parang napapalibutan
ka ng itim na usok.
"Let's talk..." agad nyang sabi sa akin. Napakaseryoso ng mukha nya at
parang may kakaiba.
Pumunta kami sa Grand Stand dahil wala yata duong tao. Seryoso siguro
talaga ang paguusapan kaya siguro gusto ni Hannah na sa private place.
"Ano ba yun hannah? Ahmmm." Sabi ko nung nakaupo na kami.
"Please.. dont dare to fall " sabi nya ng may pagmamakaawa.
"Saan? Kanino?" Pagtataka ko.
"Kay Darren, He's my ex" sabi nya at sumimangot ang kanyang mukha.
Tama nga yung hinala ko pero ayaw ko munang husgahan itong dalawa dahil
hindi ko alam ang buong storya nila.
Tsaka ako? Mahuhulog kay Darren? Oo, nakaka-attract nga sya pero yung
mainlove sa kanya? As if naman!
"Kelan pa?" Tanong ko para maliwanagan.
"Oh let me reprase.. cool off lang kami. Hindi naman kasi kami nagbreak or
what.. We're childhood bestFriends turn to lovers and now, turns to.....
strangers " nagulat ako sa pagtulo ng luha nya.
"Teka? Naguguluhan ako.. pero kahit na ano man yun, I assure to you, I wont
fall to him. Never." Sabi ko at nagpinky swear kami.
"Good to know bestfriend" atsaka nagsmile na rin si Hannah kahit umiiyak.
"Mukhang malalim yang pinagdadaan nyo Hannah, ishare mo nalang sakin
paghanda ka na"
