*Bite 30
~Don't rush anything. When the time is right, it'll happen.
-
Ember's POV
Kakagising ko lang at agad na pumunta sa ref. Kinuha ko 'yung freshmilk atsaka 'yung quaker oat. Saktong pag-upo ko sa may mesa ay tumunog ang phone ko.
"Hello?" Bati ko pagkasagot ko ng tawag.
"Girlfriend ko.." malambing naman niyang sagot.
"Hmmmm?" Sabi ko habang kumakain.
"Miss na kita.. hay! Kung hindi lang sana ako mvp! Sana nag-back out na ako " sabi niya na may halong paninisi sa sarili.
"Over mo naman Nathan.. sige, mamaya manonood ako ng practice niyo "
"Woooo! May inspiration na ako!" masaya niyang wika.
"Haha.. sige Nathan ibababa ko na. Kita nalang tayo sa school " wika ko sa kanya.
"I love you Dawn..." sabi niya.
Eto na naman, hindi naman siya tanong para sagutin pero mahirap pag hindi sinagutan.
Nanatili na lang akong tahimik at nagpaparinig kay Lance na kumakain ako.
Then he already hanged up the phone and saw a new message.
Its from kuya Denver.
Em, pumunta ka sa kwarto ko. Kunin mo yung red na box. Paki-bigay kay Jess.mwuah! Sabi mo ha.
Sa natatandaan ko, nung tinuruan lang niya naman ako magluto ang dahilan kung bakit ako ang tulay nila. Pero ito na nga, sa isang foe pa ako makikipagretohan.
Why should I?
Reply ko kay kuya, agad naman siyang sumagot ng...
Isusumbong kita kay papa na nalasing ka nung sabado.
Baliw talaga si kuya! Ahmp! Sige na nga, nakakaawa na kasi si kuya. Pag-ibig nga naman.
---
Nagsitanong-tanong na ako sa classmates ko kung nasaan si Jess at pati na rin kina Hannah. Hay, wala pa siya ah. For sure, kasama nga pala siya nina Lavenia.
Nang nasa may pintuan na sina Lavenia ay agad ko siyang nilapitan. Kaya mo yan Em!
"Ahh.. ah, Lavenia?" Sabi ko
"Ooo.." pasipol ni Alyssa at pinaglalaruan ang buhok niya.
"Any problem Ember?" Nakacross arm niyang sabi.
"Where's Jess?" Tanong ko.
"Absent.Wala kaming paki dun" sagot niya at tinalikuran na ako. Aba! Napakabastos! Maldita talaga.
Umupo na ako sa upoan ko. Time na e, and it's already time to answer a test. Tsk, sabi ko na nga ba. Before Intrams, Departmental exam pa.
Parang ganto lang, kaylangan mo munang masaktan bago magpakasaya. Tulad ng exam muna bago Intrams. Hay! Buhay nga naman... NapakaCloud nine.
Matapos ang isa at kalahating oras ay dalawang subject palang ang nasasagotan ko.
Eto ang sunod-sunod:
Filipino
Araling Panlipunan (Economics)
Science (Physics)
English
Mathematics
Good dahil huli ang Math! Phew.
