*Bite 35
~ Little concern falls into a little feeling that results to a deeper meaning.
-
Ember's POV
Inhale. Exhale. Kaya mo to Ember! Kabug na kabug ang puso ko ngayon. Breath in. Breath out. Para 'to sa batch niyo. Hayy! Kanina pa ako nabubuang dito sa back stage. Pano ba naman kasi.. Monday ngayon. In short, contest ko. Napakabilis nga no. Tsss. Tandaan mo Em, dala-dala mo ang bandera ng mga SENIORS! Wag kang magpadaig sa kaba. Carry yan!
Pero pano kapag nasintunado? Pagnaputol ang string ng gitara ko? Pano kapag napahiya ako? Pano pag natalo ako? Argh! Em! Wag ka nga. Nag-oover thinking kana e. Be positive.
Alam niyo ba, sa mga nagdaang mga araw. Sobrang nakaka-cloud nine. Ilang araw na din akong nagtatampo kay Lance. Pano ba naman, he stole my first kiss! Argh! First kiss ko yun e! Tss. Kaya ngayon, suyo siya ng suyo sa akin. Mistulang nanliligaw nga sa akin ulit e. Teka? Nanligaw ba yun sakin? Pero cloud nine, ang first kiss ko!!
Dagdag sakit ulo pa 'yung pagmumukmuk ni Kuya Denver. Aba naman, akala mo kung may pinagdaanan sila ni Jess. Maka-emote akala mo naging sila. E? Ni pangalan nga ni kuya.. hindi alam ni Jess e. Tapos, ang kaso pa ni kuya deiver at ni Jess na di pa rin natatapos. Ayaw magpa-awat ni Mr. Meyer e. Justice daw! Justice! Kung pagkain lang ang justice na 'yun! Edi pinalamon ko na sa kanya. Bike lang naman 'yun e! Di nakakamatay ng tao. Sadyang aksidente lang yun at malakas lang talaga ang pagkabaguk ng ulo ni Jess.
Tapos eto pa, kung hindi nagpaload si papa kagabi ng wifi namin ay di ko din malalaman kung ano 'yung PALANGGA TAKA na pinagsasabi ni Darren.
"You make me crazy Em. Im just concerned. Shit. Palangga taka"
Argh! Ba't ba ayaw mawala ang linyang 'yan sa utak ko?
Kaya yun, sinearch ko sa google. Nalaglag pa nga ako sa kama ng malaman ko na..
PALANGGA TAKA MEANS I LOVE YOU
PALANGGA TAKA MEANS MAHAL KITA
PALANGGA TAKA IS A ILONGGO LANGUAGE. ILONGGOS USED TO SAY IT TO THERE LOVE ONES.
Ay! Inday! Sa Iloilo niya pala nakuha 'yun! Pero argh! Ayaw talaga mag-sink in sa utak ko 'yun. Hmp, baka joke lang yun ni Darren. Alam na! May pagkamaldito pa naman. Ang labo kaya! Ang labo talaga! Pero seriously? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako? Tatalon? Magsusuicide?! Argh!! Ewan!
And then, nagsisinungaling pa ako kay Lance. Waaaa! Diyos ko Lord! Naalala ko pa nung nagdinner ang family ni Darren at family ko nung sabado. Aish!! Paniwala naman ang family ni Darren na kami nga.. tapos sina papa, mama at kuya naman, todo ride in. Nakakakonsensiya nga e, alam niyo yun? Yung may boyfriend ka tapos may fake boyfriend ka.. wow! Ang galing nu? Napakacloudnine! Tapos, huli din pala ako sa balita na... break na ang Darnah! Tsk.
Back to the reality, eto na nga. Kanina pa ako inip na inip. On the spot pa naman 'to. Pero pano kapag nanood si Darren? Argh! Teka. Mali. Let me explain, kung manonood kasi 'yung mokong na yun.. syempre, pag-nagkamali ako.. edi tada! Todo lait yan for sure.
"Ssniors!! Are you ready?! So if yes.. then, Shout it out for Seniors!!!" Sabi ni Sir. Klington. Baklang music teacher din dito. Mga juniors ang tinuturuan niyan.
Eto na! Kaya mo 'to Ember. Be harmonious. Break it down!
Tumungtong na ako sa stage. Gosh! Ang daming tao. This is not my first time actually.. kaso-- ah! Basta. Umupo na ako at inayos ang gitara ko.
"Go! Seniorsssss!"
"Ember!!! Go for it!!"
"Go Em!!"
