Bite 16

1.3K 76 17
                                        

*Bite 16

"INJAP TOWER" sambit ko.

"Ye-yes" alanganin na sagot ni Darren.

Kanina pa yan sa van, di mapakali at animo'y wala sa sarili. Hinalungkat nya pa lahat ng bag nya as in LAHAT. Naliligo pa sa pawis si Darren kanina kahit bukas ang aircon  at namumula pa. May problema yata?

"Dito ang venue?" Tanong ko sa kanya nung makapasok na kami.

"No-no" pautal nya paring sagot. Nakakahalata na sya hah. Almost 2 hours na syang ganyan. Ano naman kaya yung hinahanap nun?

"Ren, are you okay? May mali ba?"
"Nothing" sagot nya at kinuha yung susi matapos magbayad.

Oh my ghad!

"Ano? Isang room lang tayo? Ah. Kala ko ba camp? E-"
"Just a night" sagot nya at sumakay na kami sa elevator.

Ano na ang gagawin ko!? Kahit gwapo tong nilalang na to! Ayaw ko parin no, hindi naman sa nagmamarumi ako pero pinanghahawakan ko yung promise ko kay Hannah  at ayaw kong mabalewala yun sa isang gabi lang. A true bestfriend is always a true bestfriend. I will not break this promise -NEVER.

---

"What?! One bed?! Helloooo? Babae ako, lalake ka. Hindi tayo talo tol!" Sabi ko at nilagay ang bag ko sa table.

"I didnt told you that we're gonna sleep together. In your dreams!" Sabi niya at humiga.

Pagod sya? Pero pagod din ako no! San naman ako matutulog neto? Hustisya naman. Parang naghaharian ang ulol sa higaan at walang pakealam sa prinsesa nya! Wait, sa kasama pala nya.

"Mornight Amber" at pinikit nya ang kanyang mga mata.

"Mornight mo mukha mo! Tsaka Ember pangalan ko! Hindi Amber! Che! " Kinuha ko yung unan sa couch at tinapon sa mukha nya pero naks naman, tulog na sya. Ang bilis naman yata niyang makatulog? Pinagmasdan ko muna sya bago pumunta sa kusina. Gutom nanaman po kasi ako. Habang umiinom ako ng gatas ( Fresh Milk)  ay naisipan kong tignan ang phone ko. Naka-off parin kasi nga diba, bawal sa airplane. Ayaw ko naman iflight mode dahil baka malowbat. Laking gulat ko sa 143 messages na nareceive ko and take note, kay Lance lahat puro kamusta, anong gawa nyo na, asan na kayo, ingat ka at kung anu-ano pa pero ang pinakahuli sa lahat...


[ Em, Give me another chance please. Honestly, Im still into you. I love you and I do love you. I'll be there whenever or wherever you need me. I miss you Em. Good luck]

Naguluhan ako sa mensahe nyang yun. Alam ko naman sa sarili kong nagkagusto ako noon kay lance pero gusto lang yun. Iba ang mahal sa gusto, laking pasalamat ko nga kay Lance dahil sa ganuong nakaraan nami'y marami akong pinagbago sa ngayon at dahil sa ganuo'y FOODS na lang ang tanging kumukumpleto sa araw ko.

Akala ko pa naman, nagtext din sakin si Hannah kahit Hi or Ingat man lang. Siguradong nagtatampo na yun at masama ang loob nun sakin. Di bale nalang, nandun naman siguro si Althen. Im pretty sure na 99.9 na safe sya kay Althen.

Yung promise namin ni Hannah, Pangangalagaan ko yun. Kahit kanina nung pinagmasdan ko si Darren..


Parang nahulog





Esti tumulo yung laway niya. Pagod nga!


---

Jessierry's Pov


"Jes, mission accomplish na ba?" Pangiti-ngiting tanong ni Lavenia. May plano kasi kami at parang ako ngayon ang kinokonsensya. Ako nga yung inutusan nyang kunin yung folder ni Darren. Para saan nga ba? Revenge daw kay Hannah at Ember. Nasa folder nya kasi ang lahat ng papeles nya sa Camp. Like maps , list ng gagawin nila at kung anu-ano pa. Sa kadahilanang kapag mawala ang folder na ito'y maaring maligaw yung dalawang iyon. Nakokonsensya na nga ako kasi kapatid ko yung mapupunta sa alanganin. Syempre, mahal ko yun pero may tiwala din ako sa kanya, matalino yun at alam kong gagawa yun ng paraan malutas lang ang problema nya.

"Of course" sagot ko sa kanya at humalakhak sa tuwa si Alyssa at Lavenia.

"Ah, did you gave it to Lance Mariano?" Tanong naman ni Alyssa.

"Ye-yes and for that.. Let's celebrate!" Sabi ko at nagkunwaring masaya

"Youre such a true friend Jes!" Sabay nilang sabi.

Im a true friend but my friends are fake. Alam kong ginagamit lang ako nitong dalawang bruha na to. Dadating din ang araw na kakarmahin sila. They're effin trying hard girls.

---

Eunica's Pov

"Rinig mo yun?" Tanong ko kay June.
"Anong akala mo sakin Deaf?"sagot nya.

"Kawawa si ate Ember! At kuya Darren! " Naluha na lamang ako sa ginawa nina Lavenia sa kanila.

"Psh, ang ingaw mo! Weh, kung maka-ate ka't kuya kala mo mas bata ka pa sa kanila. Tara na nga!" At hinigit nya ako.

"Kuya June, natext mo na si Ate Ember?" Tanong ko kay Kuya June nung nakita ko sina ate Hannah at Jaylla sa may bench at mukhang nagtatawanan. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero masama ang kutob ko kay ate Jaylla.

"Pano ako magtetext e sinira mo kanina yung cellphone ko!" Sabay sabunot nya sakin.

"Aba! Kasalan mo yun kuya! Kung makipaglandian ka sa phone mo! Argh! Nakakasuka." Sabi ko at nag-act na parang nasusuka.

"Pake mo? Inggit ka lang!" Sabi nya at animo'y nag-flip ng hairlalu nya pero wala naman.

"Anong inggit? Kuya, bakla ka nga! " sabi ko at binelatan sya.

"Halikan kita dyan e!" Sabi nya at aba, mukhang naging lalake.

"Try mo" at tumakbo na nga ako.
Ayaw ko ngang mahalikan ng isang halimaw! Nakatakot!

---

Ember's Pov

Parang may naamoy ako. Sinundan ko yung amoy kahit nakapikit parin ako.

Agad kong kinagat iyon at
"Argh!! Ouch! "

Minulat ko yung mga mata ko at nakita ko si Darren na nakatopless pero naka-apron.Namula ako nung tunignan nya ako at lumapit sya sakin.

"Looks like you want to ate me. C'mon baby, bite me" Pasexy nya pang sabi habang lumalapit sya sakin. Ako naman, todo atras. Juice colored! Ang hunk hunk po nya! Heaven na ba 'to?

Nagulat nalang ako ng wala na akong aatrasan. Nasa ding-ding na ang buong katawan ko at kinulong nya ako gamit ng mga kamay nya sa magkabilang balikat ko.

"Hahaha. Youre starving, aren't you? Taste me baby, Im yours" at akmang lalapit na ang mukha nya sa akin pero tinulak ko sya.

"Darren, bata ka pa sa mga ganyan alam mo ba" sabi ko nang di natingin sa kanya.

"But Im matured enough to do this things" sagot nya.

"Kung mature ka nga, sige! Dapat mong sundin ang rules" sabi ko at nagcrossed arms.

"Rules? We dont need to have rules!" Sabi nya tsaka ako iniwan sa kinatatayuan namin at narinig kong huminga sya ng malalim.
"We need to have rules Darren" kumuha ako ng papel at ballpen atsaka umupo habang bumalik sa pagluluto si Darren. Nagluluto pala sya kaya napagkamalan kong pagkain! Nakakahiya naman.

"Rule number 1, gamitin ang ating sariling wika." Sabi ko at sinulat.

"Duh! I object. I cant speak tagalog fluently and besides? Im from Canada" pagtutol nya.

"So, malansang isda ka pala?" At tinaasan ko sya ng kilay.

"Ha?" Parang nalito sya sa sinabi ko.

"Ayon nga kay Gat. Jose Rizal, Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda!" Pagbara ko sa kanya.

"Ah" tanging sagot nya lang.

At ang the rest ay ang mga

2. Magluluto ang lalaki sa buong camp
3. Ladies first kung maligo
4. No touch,
5. Walang pakilamanan.
6. Walang iwanan.
7. Pwede namang maghiraman.
8. Lalake ang gagawa ng mabibigat.
9. Magtulungan.
10. Dont dare to fall.

Ang no. 10 talaga'y sinadya ko para makasigurado. Umabot pa kami ng syam-syam matapos lang itong rules na to. Nakakatawa nga yung mga epic na salitang tagalog ni Darren. Medyo okay na naman kami. Less arguments na at nalaman kong nawala pala yung folder namin kanina kaya nag aalala sya. Mabuti at nasa bulsa nya yung passport at id nya. Tumawag nalang kami kay Principal para magpadala ulit nuon. Akala ko kung ano na, pero 3 days pa before makukuha yung folder na yun. So, dapat use our initiatives muna at laking pasalamat ko't matalino din pala tong si Darren dahil memorize nya parin lahat nga activity at venue. Okay na rin dahil nakaregister na pala kami sa camp at baka may extra leaflet ng camp pa duon sa venue. Nalaman ko ring malakas mang trip itong si Darren. Joke lang yung ginawa nya daw kanina sakin at humingi pa sya ng paumanhin. Ang saya pa nga dahil pupunta kami mamaya sa Sm. Katapat lang nitong Injap Tower ang Sm. Nakatawag na din sakin si Althen at nasa pictorial daw sya pero okay lang naman daw si Hannah. Lilipas din daw ang sama ng loob ni Hannah sakin.

---

Hannah's Pov

"Yes, my love story is really weird. Argh, totally!" Sabi ni Jaylla at nag-sigh

"Sino ba yun? Whose the lucky boy?" Tanong ko naman sa kanya kasi naman, kanina pa sya kwento ng kwento pero she never mentioned a name.

"Someday, you'll know." Sabay tawa nya, naki-ride in na rin ako sa tawa nya.

"But anyway, How's your lovestory Hannah? C'mon tell me a story! Please?" At nag-puppy eyes pa sya sakin.

"Okay, I was onced inloved to my childhood friend or should I say, bestfriend" sabi ko at yumuko.

"Then? Continue it Hannah" sabi nya at inakbayan ako.

"I can't" at tumayo na ako pero hinigit nya ako para maging dahilan ng pagkatumba ko.

"Ow! Sorry Hannah, I didnt mean it" sabi nya at tinulungan ako.

"Its okay Jaylla, thank you but I have to go. I want to go home na and Im not feeling well"

Totoo naman, wala akong gana ngayong pumasok. Sa loob ng isang araw, marami ang nangyari at masaya ako dahil nasurpass ko lahat ng iyon magisa.

Sadly, I already miss Ember. Ofcourse, I love her and bestfriends is still bestfriends after all. She's really different than Jaylla and I know, She will be suprised for what I just knew about Jaylla.

--end---

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon