*Bite 7
Ember's Pov
Parang nafre-freeze na ako sa kinatatayuan ko!! Ba't ba anlakas ng karisma nitong DARREN na to? Aish!
"Uhmm. We'll gonna cook?" Tanong ko sa kanya ng may pagaalinlangan! Phew, baka naman kasi iba yung gagawain namin. Hehehe.
"Obviously" sagot nya at kumuha ng Ingredients
"Eh? Anong lulutuin natin?" Tanong ko ulit . Shete! Ayaw na ayaw ko talagang magluto!
"You" sagot nya. Hala. Bakit naman ako? May future pa ako no! Tsaka di ako masarap.
"Clean your mind. Tsss. I know what youre thinking.. Its Spaghetti not you" sabi nya pa at pinakulo na ang pasta.
"Ah. Ganun? Hehehe.. Ganyan ba ang uunahin?" Tanong ko at lumapit sa kanya.
"Tsk, Can't you see?" Sabi nya't punagpatuloy ang ginagawa nya. Napakasuplado naman! Nakakaturn-off.
A big big Wow lang ha! Kala ko tuturuan ako magluto? Ba't nanonood lang ako? Sa bagay, okay na rin. Ayaw ko din namang magluto e.
"Slice the cheese" utos nya sakin at hinagis ang dalawang Eden Cheese.
Aww. Marunong naman ako maghiwa! So keribels ko na to. Makakagat nga ng isa.
"He-hep. Dont plan to bite any of that. Tsss. " Sabi nya pagkatingin sakin.
May pagka-Mind reader din yata tong nilalang na to ah.
"Oo, wala naman ako sinabi ah" depensa ko pero hinagis nya din sa kin ang dalawang pakete din ng hotdog. Take note, virginia to. Whaha. My paborito!
"Slice the hotdog too. And please dont lessen any of that."
Andamot-damot oh! Taga-hiwa lang ang peg ko ngayon? Sige... sige... Mabuti na rin lang.
Parang natatawa ako dito kay Darren. Sobrang seryoso. Tapos, parang sya yung typhical guy na hinahanap ko? Haha! Sa bagay, I hate Boys. Pareparehas lang sila kahit iba-iba ang attitude paminsan-minsan.
Natapos ang paghahallucinate ko kay Darren dahil biglang dumaan sa amin si Lance na may dalang Palabok! Wettti! Ambango! Pero, pagkadaan nya kay Darren ay halata namang sinamaan nya ng tingin si Darren. Problema kaya nun?
Makalipas ng ilang minuto ng katahimikan at PANONOOD ko sa kanya ay nagtanong na ako para naman mabasag ang nakakarinding katahimikin sa pagitan naming dalawa.
"May maitutulong na ako? " tanong ko habang hinahanda nya na ang spaghetti
"Try this" sabi nya at kumuha ng spaghetti at isusubo yata sa akin?
Gulp!
"O-okay" ngumanga na nga ako at naghihintay na subuan nya ako
Pero, tumawa lang sya
"You're thinking that Im going to feed you? Assuming! Get this and feed yourself"
At tatawa nya pang bibigay sa akin ang platito't kutsara.
Grabe naman o-oh. Sumubo na nga ako, ALL BY MYSELF!
Whaaaaaa! Heaven! Let me try again! Super sarap! As in! Ansarap-sarap.
"One more try?" Tanong nya sakin at tumango lang ako.
Tumawa ulit sya at nilagpasan ako dala-dala ang mga spaghetti. Napaka-antipatiko! Gwapo nga sana pero... ah basta! Nakakairita! Hayyy!
Total ay wala naman akong maitutulong kasi tapos na rin akong magwalis ng canteen at maghugas ng pinggan ay nagpaalam na ako kay Miss Lynie. Nakasanayan na naming tawagin yang 'Miss' kasi ang mature na nyang tignan. Pumasok na din ako sa classroom. Susunod din naman siguro si Lance.I think?
