*Bite 36
~ Love is like a Basketball. You need to do effort to gain points.Parang bola din ng basketball dahil hawak mo na nga, pilit pang inaagaw ng iba.
-
Ember's POV
Nakaupo na naman kaming lahat dito sa Canteen. Maliban kina Lance, Kysler at Da--Teka, kasama ba siya sa grupo? Hay!
Okay, kami lang nina Eunica, June, Jaylla, Althen, Hannah at Ms. Lynie. Ayaw ko din nga magtanong kay Ms.Lynie kung anong nangyari sa kanila sa camp.. e.Alam na, Baka kasi matandaan ko na naman 'yun. Si Althen ang nakaisip ng grupo namin.. at nakakatawa pa nga 'yung pangalan namin e.. St.Mark's Cuties . Akalain mo nga naman? Si Althen nagpangalan niyan ha!
"9:30 pa ang basketball nu?"tanong ni Hannah.
"Oo Hanskie" sagot naman ni Althen.
Napa'ayeee' na naman kami kasi parang sila lang talaga ang nageexist mula kanina. Sila lang kasi ang naguusap. Haha.
Tumingin ako sa wall clock ng canteen, 8:45 pa lang naman pala.
Kasalukuyan kaming kumakain while gumagawa ng placards. Haha! Ako kasi ang nag-insist kumain. Grr.
"Oh, nagparamdam na ba si Prince Lance meme?" Tanong naman saakin ni June.
I pouted and shrugged my shoulders. Tss! Ang mokong na 'yun. Kahit text manlang kaninang umaga.Wala. Nagtatampo na talaga ako--este! Madadagdagan na naman ang tampo ko. Tapos, si Darren pumunta na naman kagabi sa bahay. Ey? Feel at home palagi! Pumasok pa sa kwarto ko. Kaya ayun! Nagbangayan na naman kami. Kesyo, ang daming balat ng pagkain daw. Kesyo, ang picture frame daw sa study table ko--si Lance. Ang gago parang nagseselos! Pero argh, I know naman na he's just pretending.Ganto kasi yung nangyari;
Kasalukuyan akong kumakain ng Waffrets habang nagsosound trip sa kwarto ko nang biglang may kumatok. Kasi naman e, kahit malakas ang speaker ng laptop ay mas malakas pa ata ang katok niya sa pintuan.Wow, siguro si kuya Denver na naman 'to. Mangungulit na naman sakin!
"Kuya--" sabi ko pagkabukas ng pinto pero laking gulat ko ng si Darren ang bumungad saakin.
Magsasalita na sana ako ulit kaso pumasok na lang siya atsaka humiga sa bed ko. Agad naman akong kumuha ng walis tambo na nakalagay sa may mini trash can ko dito at pinagpapalo siya na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.
"Ouch! Ember! You're so brutal!" Sabi niya at tumayo.Nilagay ko na lang yung walis sa tabi at hinarap siya.
"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko sa kanya. Umupo naman siya at tinignan ang bawat sulok ng kwarto ko. Lumapit siya sa may study table ko at kinuha yung picture frame.
"Akin na yan oy! Darren! Akin na sabi! Sige ka! Darrrreeeen!" Sabi ko habang hinahabol siya. Todo takbo naman siya. Palibot-libot na lang tuloy kaming dalawa.
Napahinto naman siya ng makita yung picture atsaka kumunot yung noo niya.
"Akin na nga!" Sabi ko atsaka binalik yung picture frame sa study table.
"Tss. Ampangit naman niya" saad ni Darren at humiga sa kama ko. Feel at home e nu?
"Sino?" Tanong ko pero alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya at umupo sa may study table ko atsaka pinatay sa taas ng book shelf yung speaker. Hanggang bewang ko lang kasi ang taas ng book shelf e. Hindi naman kasi ako book worm.
"Edi yung matanda at pangit mong boyfriend!" Sabi niya.
"Aba? Bakit gwapo ka ba?" Sabi ko at napairap sa kanya.
