*Bite 49
~Don't be afraid to create something new, because thats the thing that makes you a better person from what you think it is your last best.
-
Ember's POV
Ganun pa rin ang lahat. After naming makauwi ni Darren ay saktong kakadating din nina Jaylla. Hindi din kami masiyadong nakapag-usap na apat dahil dapit hapon na din naman nun. Mabuti nga nung sunday, umuwi muna si Darren sa bahay nila kaya nasimulan ko na yung scraptbook na ibibigay ko sa kanya. This school week, puro preparation lang sa Ball.
"Ayan na! Hehe. Perfect!" Sabay harap sa akin ni Hannah sa salamin.
Im wearing a red cocktail dress. Medyo kinulot niya din ang buhok ko at napakaganda nga ng pagkakamake-up ni Hannah though hindi naman masiyado makapal.
"Thanks Han" sabay ngiti ko sa kanya.
Andito kasi kami sa bahay. Pinapunta ko siya dito kasi naman, walang mag-aayos sa akin. Wala naman kasi si mama.
Si Hannah, naka-blue siya na parang diwata. Ang cute nga niyang tignan e.
"Haha. Ano kaba? Tara na sa baba baka inip na yung boys" at hinila na niya ako.
Pagkababa namin masaya namang nag-uusap si Althen at Darren. Ang cute ni Darren sa white tuxedo niya. Tapos si Althen naman, sa white amerikana niya na siyang lalong nagpagwapo din sa kanya.
"Galing talaga ni Hanskie. Pinaganda nga niya talaga si Ember" sabay tawa ni Althen.
"Ah ganun? So hindi pala ako maganda at pinaganda lang?" Pabiro kong sabi at tinaasan siya ng kilay.
Mukhang nagisip pa nga siya. Ay loko talaga! Tapos pinagmasdan pa ako mula ulo hanggang paa.
"Crush nga kita noon Em kasi naawa lang ako sa'yo. Ayan! Tumataba kasi Hahaha" sabi pa ni Althen.
"Walangya ka!" Sabay batok ko sa kanya.
"Aray naman o. Joke nga lang e" sabay nagpout pa siya. Loko talaga.
"Haha, Althen.. She's beautiful parin naman if tumaba nga siya" ani naman ni Darren.
Mukhang napatalon na naman ang puso ko sa nanarinig ko. Whoaa! Araw-araw na lang niya ata akong pinapakilig. Sa bawat paggising namin sa umaga at ayun! Mukhang mag-asawa lang kami sa lagay namin sa bahay.
Ang dami namang pwedeng tulugan dito sa bahay, gusto niya talaga sa tabi ko. Tsss. Hindi ba siya natetempt sa lagay namin? Sa bagay, baka wala pa siyang alam sa mga ganun. Cloud nine! Nagoover thinking na naman ako.
"Uy.. si Ember kinilig" pang-aasar nung dalawa.
"Psh, tara na nga. Ma-late pa tayo e. 5:30 na" sabi ko sa kanila.
Pagdating namin sa ball, as expected.. mukha ngang Js Prom pero pang-christmas ang disenyo ng ball. Christmas ball nga e? Haha. Agad namang lumapit si Lance sa akin. After nun, hindi ko na nakita kung na saan na si Darren.
May mga ceromony na namang pinaggagawa atsaka naghapunan din kami. Ang nakapartner ko namang second year ay si Cedy. Akala ko pa naman si Darren. Kasi kasunod ni Cedy si Darren e. Sayang! Pero mabait naman si Cedy at gwapo. Pagkatapos nun ay yung pinakahihintay na nga nila... yung sayawan.
"Dawn, kain ka ng kain ah?" Tanong sa akin ni Lance. Kanina pa kasi ako pabalik-balik sa mga pagkain na nakahain sa gitna. Yung parang cater ba. Kasalanan ko bang nasarapan talaga ako sa luto nun? Sa bagay, sina Lynie at sina Darren naman pala ang in charge sa foods kaya hindi na nakapagtataka na masarap nga ang mga hinahain nila.
