*Bite 55
-
June's POV
"Eunica!" Sigaw ko sa kanya habang hinahabol siya. Naknang batang 'to o! Ilang araw din kaya kaming di nagkita.
"Mahahabol din kita!" Sigaw ko nang paakyat na siya sa pass over.
Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko at sa wakas, nahuli din siya.
Tumingin muna ako sa mukha niya atsaka ngumiti.
"Eunica.." sambit ko atsaka ibinigay sa kanya yung rose na hawak ko.
"A-a-ano 'to kuya?"
"Para sa'yo" saka ako ngumiti ulit.
Malamang sa malamang e may narealize talaga ako. Hindi ako bakla. Siguro nga, kaya naging bakla ako dahil takot akong magmahal. Nang dahil sa batang 'to, napagtanto kong tunay na lalaki ako.
"Para sa ano 'to kuya?" Tanong niya pa.
"Pwede ba kitang ligawan?" Seryoso kong tanong.
"Ano ka ba kuya! Niloloko mo na naman ako e!" Tumawa pa siya at hinampas pa yung braso ko.
"Ser-yo-so" atsaka lumuhod ako.
Nagulat naman siya atsaka nagsitinginan ang mga tao sa paligid namin. Juskoday, hindi pa naman ako magpropropose.
"Ku-kuya?"
"I know, nagulat ka. Pero I want you to know that I like you. I care for you. Ive change. A lot of change. Because of you I become like this" sabi ko.
Oy! totoo yun. Ang hirap kaya humugot. Ewan ko ba? Basta nagising na lang ako isang araw na iba na ang kilos ko. Maybe Im really a man.
"Tumayo ka nga muna kuya.." sabi niya.
Sinunod ko naman siya. Tapos may isang lalaking dumating. Matangkad, gwapo atsaka lalaking lalaki talaga ang dating. Unlike me? Kakarecover lang. Inakbayan niya si Eunica asaka kunot noong tumingin sa akin.
"Ah kuya this is Reynold" pakilala ni Eunica.
"Hi dude! Boyfriend ni Eunica" Bati nung lalaki saka makikipag-shake hands pa sakin pero hindi ako nakipagshakehands. Tinanguhan ko lang siya. Ano siya? Feeling close?
Para akong tinapunan ng mga bomba, tinusukan ng mga thumbtacks, nilagari ang katawan atsaka parang bulkang sasabog. Boyfriend?! Agad?
"Joke ba yan?" Sabi ko.
"Hindi kuya. Siya yung taga funtella na sinasabi ko" sabi ni Eunica.
So siya nga? Unti-unti kong nabitawan yung rose na hawak ko atsaka tumakbo papalayo sa kanila.
Huli na ang lahat. Bakit ba huli ko na narealize? Kung kailan handa na ako saka pa nagkaganito? Ang sakit nga. Ang sakit pala umibig. Una ko palang na subok, eto na ang natanggap ko.
-
Ember's POV
Tatlong araw na magmula nang umalis si Darren. Hindi na siya nagpaparamdam. Ni text o kaya tawag wala man lang. Pano niya kaya ako natiis nang ganun? Ang hirap naman. Yung tipong gustong gusto mo na siyang makita pero siya? Hindi mo alam kung gusto niya din ba. Ang sakit pakiramdaman.
Tumutulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mga litrato namin sa Boracay. Sabik na sabik na talaga ako sa kanya. Sa boses niya, luto niya atsaka sa kakulitan niya. I really miss him.
Hindi ko na din alam kung ano na ang nangyayari sa akin. Kasi dapat sa pagkain ko binubuhos ang lahat pero bakit pati pagkain iniiwasan ko na? Hindi na ako makakain ng maayos kasi tuwing makakakita ako ng pagkain lalo ko siyang naaalala.
