*Bite 22
Ember's POV
Sobrang na miss ko 'to. Nakaka-home sick din pala. I hold my breath. Parang may something sa bahay at pakiramdam kong may nangyari. I miss my mom. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nakatayo ako-- I mean, kami ni Lance dito sa tapat ng bahay namin. Sa palagay ko'y gising pa si mama dahil bukas pa ang mga ilaw.
"Di ka ba papasok?" Tanong ni Lance while carrying my things. Sinundo kami kanina ng driver niya kaya madali na din kaming nakauwi kahit traffic.
"Papasok syempre" sagot ko sa kanya at humarap. Kukunin ko na sana ang mga gamit ko sa kanya kaso humakbang na siya papunta sa gate namin.
Nag-door bell na din siya. Mga dalawang beses lang yata. Sarado ang gate at malamang ay sinecure ni mama dahil uso na ngayon ang nakawan dito sa Manila.
Parang nalag-lag ang mga panga ko nang makita ang isang lalaki na siyang nagbukas ng gate. Well, mukha parin siyang bata. No wonder kung kanino ako nagmana. Haha.
"Pa!" Yumakap ako sa kanya pero umiwas siya. Bakit?
"Boyfriend kaba ng anak ko?" Tanong ni papa Kay Lance. Tumango naman si Lance at sinabing "I am sir. I'm Nathan Lance Mariano" pormal niyang sabi at ibinaba muna ang mga gamit ko atsaka nilend niya ang kamay niya para makipaghand shake kay papa kaso tinanggihan ni papa at kinuha ang mga gamit ko.
"Pa" mahina kong sabi kay papa habang nakatingin siya sa amin ni Lance.
"Pasok" sabi ni Papa.
"But pa? Friend ko lang siya" pagdepensa ko. Nakakahiya naman kay Lance kung hindi ako makakapagpaalam sa kanya.
"No more excuses Ember Dawn. Just.Go.Inside." saad ni Papa. He's being harsh and I'm ashamed of it. Ngayon lang kami nagkita from how many years at ngayon, he's talking rudely.
Tinignan ko si Lance at tumango naman siya.No choice. Pumasok ako at nadatnan si Mama na umiiyak.
Ano ang nangyari? Bakit wala akong kaalam-alam? May kasalanan ba ako? Ano ang dapat kong gawin?
Nakaupo si mama sa may Dinner Table. Kumakain na umiiyak. She's crying like a baby. I don't know what to do. Lumapit ako sa at yinakap siya.
"Ma.. Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Mom is still crying while hugging me close.
"Huhuhu~ My plants" sagot niya habang umiiyak. Napabitaw ako sa yakap niya.
"Wow ma, grabe lang. Ano ba talaga?" Tanong ko.
Biglang narinig ko ang pagsara ng pinto. Kinabahan ako. Ghad, para akong nanginginig.
Nagulat ako ng may yumakap sa akin. I really miss my dad. I didn't expect that he's coming so soon.
"Dalaga na ang anak ko" sabi niya sa akin. Naguluhan ako sa sinabi niya. Kanina para siyang over protective daddy tapos ngayon, sweet and loving daddy. Sa totoo lang, ampon ba ako? Si mama, adik sa halaman. Si papa, bipolar.
Kumalas naman kaagad si papa sa akin atsaka umupo katabi ni mama.
"Kain kana" tugon sa akin ni papa. Kumuha ako ng pinggan atsaka umupo. Pagkain, hindi ko talaga matatanggihan yan.
"Wife, bibili nalang tayo bukas ng bagong magagandang tanim natin" pagpapakalma ni Papa kay mama. How sweet!
"Tumigil tigil ka nga Kristanuel Gargantos" matigas na sabi ni mama. Aba, matindi. Pakipot si mama.
Tahimik lang akong kumain. Akala ko kung ano na. Kinabahan talaga ako kanina.
"Mrs. Marijel Gargantos, gusto mo lang atang lambingin kita..yeee~ Patience wife, let's make it out later. Sundan kaya natin si Ember" sabi ni papa
