*Bite 52
~ Timing is everything, all you need is a chance.
-
Ember's POV
Napamuklat ako nang may yumakap sa akin. I can feel his breath. His embrace that gives me a feeling that no one can ever did.
"My bear..." mahina niyang sabi.
Nagkunwari muna akong tulog. He's sweet in a way. He's totally a kind of guy na malimit mo lang makita. Although bata pa siya, nasa tamang pagiisip na siya. Mukha pa ngang mas matanda pa siya kung umasta sa akin e.
"I love you bear..."
Naramdaman ko ang paghagkan niya sa noo ko at sa paglalaro niya sa aking buhok. Bakit ang sweet niya ngayon?
"Bear.. I know youre awake. Dont act like youre not. Its obvious you know" sabi niya.
Pagkamuklat ng mga mata ko'y inirapan ko lang siya at tumawa naman siya. Cloud nine, sobrang lapit niya sa akin ngayon. Grabe na tuloy ang kuryenteng bumabalot sa katawang lupa ko.
"Hindi ah! Kakagising ko lang!" Sagot ko.
"Defensive much."
"Ha? Anong sabi mo?" Nalilito kong tanong. Ang hina kasi nung sinabi niya.
"Wala. Wala akong sinabi." simple niyang saad. Tumayo naman siya tapos kaagad ding umupo. Nakatalikod siya sa akin at ako nama'y nakaharap sa napakaganda niyang likod. Oo na. Kahit likod lang 'yan.
"Uyyy? Anyare sa'yo ?" Sabay tapik ko ng likod niya. Hindi to chansing, take note.
"Ba't pumupunta pa dito yung matandang iyon?" Nakatalikod niyang sabi.
"Bakit? Anong mali dun?"
Siya nga. Hindi naman masama kung dinadalaw ka ng taong naging malaki ang parte nito sa buhay mo. Pero in a side, kinikilig ako. Seloso ang lolo niyo.
"Lahat" maikli niyang sagot.
"Eh kayo nung bata? Ha?" Pabalik kong tanong.
"She's just trying to put her ring in my pinky. She was just joking that she's going to pee. I thought its true but then she just laugh and she let me see her--"
"My goodness Darren!" Napasigaw ako sa gulat.
Tumahimik lang siya ng ilang minuto. Hindi siya sumagot sa akin.
Nakailang tapik na ako sa likod niya na halos mukhang pinapalo ko yung balikat niya ay dedma pa rin siya. Dedma lang ang peg? Nagtampo agad? Anong nakakatampo dun? Hay naku Ember. Wagas kasing makareact eh .
"Darren!" Sabay kurot ko na ng tagiliran niya.
Akalain mo yun? Dedma pa rin. Manhid lang? Kaloko 'to ah.
Okay. I have a bright idea. Nilunok ko muna yung laway ko saka huminga ng malalim at ngumiti. Sabay noon ang unti-unti kong pagyakap sa bewang ni Darren. Unti-unti din akong umupo. Ultimong parang naka-back hug ako. Ay mali. Back hug nga talaga.
"Darren, ano ? Darren ko." malambing kong sabi. Baka umepek, hindi ba?
Naramdaman ko namang mukhang nagulat siya sa pagyakap ko. Sus, pakipot 'tong bakla na 'to. Ako na ang manliligaw oy!
Magsasalita na rin sana ako sa bandang tenga niya ng nangyari ang di ko inaasahang mangyari.
Namula ako ng tuluyan. Feeling ko, pwede na akong gawing siling labuyo sa sitwasiyon ko ngayon. Naramdaman ko namang tumayo siya at mukhang nailang. Ako naman, tulala.
"Ah-eh-ah Ember, sunod ka na lang sa baba. Its time for dinner na" nanga ngatal niya pang sabi. Tumango lang naman ako.
Its just a kiss. A smack kiss. Pero iba talaga 'yung feeling. Mahal ko siya, mahal din naman niya ata ako. Kaso nga lang, mukhang hanggang dito lang ang gusto niya.
