*Bite 43
~Never deny of what you feel. Just like what spongebob once said, "how will you know if someone loves you if you dont tell that you love them too?"
-
Ember's POV
Recess na naman. Hay, sana recess na lang ang subject mag-hapon. Haha! Para wala ng pa-hard-hard pa.Kasalukuyan kami ngayong nasa canteen. Ano pa nga ba? Edi kumakain.
"Wow meme, hindi kaba nacoconcious sa body mo? Ang dami kaya ng inorder mo ngayon!" Saad ni June na nasa harap ko.
Tinuloy ko lang ang pagkain ko. Wala akong paki. Ibubuhos ko lahat lahat ng nararamdaman ko sa pagkain.
"Tama ka diyan, masama ang sobra Em" sabi ni Ms.Lynie.. este Lynie.
Hindi na siya masiyadong nageenglish kasi nakakahiya naman daw parang ang pormal naman daw kasi. Natawa nga kami, nakakapanibago din kasi.
"Psh. Wag nga kayo. Yan lang ang way ni Ember para magpalabas ng nararamdaman niya no." Sabi naman ni Hannah.
Kilala niya ako e. Grabe, ilang plato na kaya ng kanin ang nakain ko ngayon? May sampu na ba?
"Masyado mo namang kinukunsinti Hanskie. Maawa ka naman sa katawan ng kaibigan mo. Haha" saad naman ni Althen.
"Palibhasa kasi.. may pinagdadaanan!" Tugon naman ni Hannah at inirapan si Althen.
Kain pa rin ako ng kain. Bahala na. I love foods e. Bahala na kung tumaas ang kilo ko. Atleast, hindi naman tumataba.
"Ate si kuya Lance papalapit na dito. Kasama si kuya Kysler"sabay turo ni Eunica sa paparating na dalawa.
Kumakain pa rin ako. Ako na lang ata pala ang kumakain. Ewan ko ba? Parang gusto kong kumain ng kumain na lang.
"Girlfriend ko..." sabay yakap niya sa likod ko kaya napatigil ako sa pagkain.
"Ayan! Haha. Pagsabihan mo nga Lance 'yang girlfriend mo. Parang PG e."saad ni Althen.
PG. Whatever. Ngayon lang ulit akong naging ganto. Ewan. Bumalik na naman ang pagkaBaboy ko.
Bigla namang nagsialisan sina Hannah kaya dalawa na lang kami ni Lance ang naka-upo. May gagawin daw sila e. Nakakasawa naman daw akong panooring kumakain. Grabe ano?
"Dawn. Nakakain na tayo kanina diba?"sabi niya sa akin.
"Aish.e gutomsh pa rin ako e" sabi ko habang kumakain.
"Hahaha.."tawa ni Lance sa akin.
Nagulat ako ng lumapit pa siya sa akin ng mas malapit talaga at pinahidan ang mga amos ko sa mukha.
"You're cute Em. Haha" sabay pisil niya sa mukha ko.
"Aray..." sabi ko naman.
Pinsil ko din yung cheeks niya. Akala niya siya lang marunong ha.
"Oo na. Tama na Em. Haha" awat niya sa akin.
Hay sa wakas suko na din ako. Nakailang serve ng pagkain kaya ako?
"Dawn.. you look weird today"
"Ha? Bakit naman?" Sabi ko at uminom ng Iced tea.
"I dont know. Feel ko lang" sabi niya.
"Feel lang naman pala e"
"Dawn, may itatanong ako" saad niya at parang naging seryoso siya.
"Oh? Ano naman yun?"
