*Bite 33
~Don't be too consistent. Think it twice or even more.. because after it, consequences are there to challenge you.
-
Ember's POV
"Dawn, ba't ka nag-aya mag shopping?Bumili ne'tong magagarang damit? E? Diba, you used to be at the grocery?" Tanong ni Lance na dala-dala ang mga pinili kong dresses. Nandito kami sa boutique at kanina pa ako pili ng pili ng damit.
"Huy, tsss. Dawn, di ka naman nagsusuot ng mga ganyang ka-revealing o?" Sabi niya parin habang hawak-hawak ko ang strap less na dress at see-through lang ang likod nito at yung sa bandang tiyan.
Ibinalik ko na lang ulit. Tsk, ano ba ang magandang suotin mamaya?!
Psh, hahaha. Mukhang chaperone ko na pala si Lance. Napaka mo talaga Ember!
"Ano ba ang bagay saakin Nathan?" Tanong ko sa kanya. Napaisip naman siya.
"I think.. that black one" sabi niya at dinuro-duro yung suot ng manikin. Isa siyang above the knee at may 3/4 sleeves. Yuck, baka pagtawanan na naman ako nina kuya.
"Nathan naman e?"
"Okay, okay. Yung white" sabi niya.
Okay, tinray ko na nga sa dressing room. Lumabas ako at pinakita kay Lance. Laglag panga naman ang gago. Cloud nine, parang sukat na sukat sa akin ang damit. Ito nalang kaya?
"Perfect!" Tugon ni Lance na parang bakla. Psh.
Binayaran ko na lang sa counter yung damit. Ubos na naman laman ng alkansya ko bwiset.
Kumain kami sa Mcdo after it at hinatid niya na rin ako. Hindi na din ako nahihirapan sa 'i love u' thingy. Mukhang mahal ko naman ATA si Lance.
---
Nadatnan kong nakaupo sa sofa si Darren. He's with my family. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Pero seriously?! A 2nd year student can talk like that?! Akala mo kung sinong mature.
"Oy! Andyan na pala ang prinsesa natin!" Sabi ni Papa. I kissed him on the cheeks at nagmano.
"Yow! Em?! Nag-shopping ka?" Sabi ni kuya Denver.
"Obviously" sabat ni Kuya Deiver.
Darren just chuckled. Cloud nine, argh!!
"Em, nandito si Darren para ligawan ka" sabi ni papa.
Hala?! Wala 'to sa plano ah?! Cloud nine, ano na namang balak nito?
Then they just laugh in unison.
"Yeah, sabi ko na nga ba e. Diba Em? Pero pano si Lancey?" Sabi naman ni mama.
I sighed. Pati ba naman pamilya ko.. paglalaruan mo Darren?
"It doesnt matter if she's single or not mom" sabi ni Darren.
Ano?! Mom? Nanay niya ba si mama? Maka-mom! Argh! Cloud nine.
"Ah hehehe" sabi ni mama na parang kinilig pa.
"Mas boto ako dito nak" sabi naman ni papa at inakbayan si Darren.
"So, ano ang point ng pagpunta niya rito?" Tanong ko sa kanila at tinuro si Darren habang nakapamewang. Naka-uniform pa ako. Aish.
"Susunduin ka niya nak!" Masayang wika ni papa na animo'y excited.
"Ah, bakit?" Sabi ko.
"Dinner with my family" sabi ni Darren atsaka ngumiti. Yun nga, yun pala ang plano namin. Meet his family tonight. Hayy, de ja vu.
