*Bite 51
~It's not about owning the person and
having the perfect relationship. But it's finding that someone who'll match you and you'll go through without giving up.
--
Ember's POV
Humakbang akong muli at pilit na tinatanaw ang papalipad na eroplano. Patuloy parin na umaagos ang ulan pati na rin ang mga taksil kong luha. Masakit--Masakit ang iwan ka.
Napaupo ako at pilit na sinisigaw pa rin ang pangalan niya. Magmukha man akong tanga e wala talaga akong pakialam.
Naramdaman ko na lang na wala nang pumapatak na tulo ng ulan sa aking katawan. Napatingin ako sa nakatayong tao sa harap ko.
It was Lance and he is concerned seeing in his eyes. Hawak niya ang isang malaking payong na siyang nakatapat sa akin.
"Lance! I--"
Humihingal akong nagising. What a creepy dream. Grabe sobrang hindi ko keri. Whooaaa! Kaloka talaga. Cloud nine? Sino naman yun? Bakit nandun si Lance? Bakit ganun yung inasta ko dun? Hay, panaginip lang naman.
"Gising ka na pala.."
Napatingin ako kay Darren na siyang kakapasok lang sa kwarto. Napatingin ako sa tat--dalawa na mahimbing pa rin ang tulog. Nasan si Lynie?
Bumangon na rin ako atsaka inayos ang buhok ko.
"Oo" sagot ko kay Darren atsaka pumasok sa banyo para magsipilyo.
Pagkalabas ko'y nandun parin siya't nakatayo sa may pintuan. Kunwa'y humikab ako. Kesyo naman na tumili ako. Cloud nine, bakit ba ang fresh niya pa rin kahit bagong gising?
"Gutom ka na? Let's eat. Nagluto na si Ms. Lynie at Kysler sa baba" aniya.
Tumango na lang ako at tumungo kaagad sa kusina. Gutom na din ako e. Nadatnan naman namin ni Darren na naghaharutan sina Lynie sa dirty kitchen namin. How sweet!
"O-oops! Hehe" ani ni Lynie nang makita nila kami and mas lalo pa siyang nag-blush.
"Uy. Morning guys!" Masayang bati naman ni Kysler.
Ang cute talaga nilang dalawa na parehas na naka-apron atsaka yung kakulitan nila sa isa't isa. Napatingin naman ako kay Darren.. mukhang may iniisip. Ano kaya?
"Mauna na tayong kumain. Tanghali na yang mga yan for sure gigising" saad ni Lynie at napatingin kaming lahat sa orasan. Sa bagay, mga lasing din kagabi.
After nun ay kumain na kami. Ang sarap talaga ng luto nilang dalawa and I know, Its from the LOVE kaya ganyan ang lasa. Ganun daw e, yung lasa ng niluluto mo ay base sa nararamdaman mo or sa emosyon mo.
Bigla namang may nag-door bell. Napatingin naman kami sa isa't isa. Well, Im not expecting for some visitors ngayon e. Sino naman kaya to?
"Ako na." Sabi ko sa kanila at tumayo.
Agad akong lumabas at pagkabukas ko ng gate ay wala namang tao. Hala?
Sasarhan ko na sana nang may nagsalita.
"Don't close the door Ate. Im here"
Kaya binuksan ko ulit. Pero wala pa rin akong nakikita.
"Aray!" Sabi ko na lamang nang may nangurot sa hita ko.
Pagkatingin ko ay nagulat ako and at the same time, nagning-ning ang mga mata ko. Ang cute ng bata! Waaah! Naka-hello kitty siya na dress tapos naka sandals pa siya na pink and naka-two ears ang buhok. Namimilog pa ang kanyang mga mata at ang pula talaga ng labi niya.. plus ang puti niya pa. She's so adorable!
