Bite 38

922 44 4
                                    

*Bite 38

~ Every relationship, even friendship, is bound to fall apart when you start keeping things. Secrets don't destroy everything, LYING does.

-

Ember's POV

Nasa tapat na kami ngayon ng bahay namin.Hinatid niya kasi ako.Ang saya ng araw na 'to, tsss. Kahit may ginawa akong hindi ko inaasahang nagawa ko. Puro chocolates din pala ang laman ng dala ni Lance kanina.. yung nakalagay sa basket. Grabe, kinolek niya talaga ang lahat ng uri ng chocolates para sa akin.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Lance habang nakatitig siya sa akin.

"Baka naghihinayang ka Dawn, nakuha ko kasi first kiss mo.. Sorry" sabi niya at yumuko.

"Ano ka ba Nathan. Forget it na. Ilang beses ka bang magsosorry?"

"Million times. Hehe" sabi niya

"Pero sayang yun" tugon ko sa kanya.

"Gusto mo, bawiin ko?" Sabi niya at ngumiti ng napakalaki. Nang-aasar na naman.

"Baliw!" At binatukan ko siya. Tumawa naman siya. Parang wala lang sa kanya na natalo sila huh?

"Hahaha. Joke lang Dawn!" Sabi niya.

"Sure ka ba talagang okay lang na natalo kayo? Wag kang maoffend ha." Sabi ko ng mahinahon.

"Okay lang yun! Panalo pa rin ako dahil sa'yo. Haha, ang galing mo nga kanina. La-la-lance, la-la-lance. Ishoot na yan--"

Naputol ang pagsasayaw niya dahil umirap ako. Pero sa totoo lang, nakakatawa talaga kasi ginaya niya yung sayaw ko. Nakakahiya tuloy.

"Hahaha! Eto naman o. Proud nga ako Dawn e" sabi niya na parang nahihiya pa.

May dumating na sasakyan. Huminto ito sa may motor ni Lance. Kilala ko ang sasakyan, It's Darren's dad car. Kinilabutan ako bigla. Teka?! This is a dream diba? Then if this is a dream.. wake me up now please! This is going to be a bad dream. Eto yung ayaw kong mangyari.

Napatingin kaming pareho ni Lance sa sasakyan. Bumungad sa amin si Darren, Jaylla, Mom and Dad nila. Anong meron?

"Hija!" Sabi sa akin ng mommy ni Darren sabay beso.

"Good evening po" bati ko sa kanila.

Tinignan ko si Lance. Nakatayo parin sa tabi ko pero yung mukha niya.. hindi ko maipaliwanag.

"Oy! Darren. Hindi mo ba babatiin yang girlfriend mo? Parang hindi kayo magsyota ah" sabi ng mommy niya.

I gulped. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako nakasagot.. pati na rin si Darren. Si Lance tahimik pa rin. Cloud nine, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Baka LQ. Uhm, hija.. Ember, sino yang kasama mo?" Tanong ng daddy ni Darren. Sasagot na sana ako kaso dumating sina mama. Thank you! Baka kasi mahimatay na ako e.

"Uy, mare. Andito na pala kayo? Tara, pasok na kayo" sabi ni mama at pinapasok na sila. Sinabi ko na lang na maiwan muna ako dito. Kailangan kong magexplain kay Lance.

Tahimik lang si Lance. Para siyang estatwa. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang pageexplain ko. I know, ilang araw palang yung pagprepretend namin ni Darren sa parents niya pero ang kalabasan pa rin nun ay parang nagtaksil din ako kay Lance.

"No need to explain Ember Dawn" sabi ni Lance na hindi nakatingin sa akin. He's hurt. I feel it. Kahit ako nga, marinig ko na may ibang girlfriend din ang boyfriend ko at magkakasundo pa ang pami-pamilya nito ay masasaktan talaga ako.

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon