*Bite 14
Ember's Pov
"Hannah, Pano manligaw?" Tanong ko sa kanya habang naglulunch kami ngayon dito sa canteen.
Bigla namang nabulunan si Hannah
"Whoa! Dont tell me Em na-"
"Si kuya kasi!"
"Ahh... sino daw ba ang liligawan nya?"
Umusog ako sa kanya at bumulong
"Si Jessierry"
Tapos, cloud nine! Nabulunan ulit! Baka pagkamalan natong nagsusuka si Hannah! Tapos si Althen todo punas sa kanya ng tissue at todo bigay ng tubig. Sa totoo lang, nakakahalata na tong si Althen ah?
"Seriously?!! Anlandi tal--" Naudlot yung sasabihin nya dahil kumuha ako ng tubig at pinainum ulit sa kanya't nagsalita
"Hindi sya malandi Han.. You didnt make all clear Han, hindi mo kinomfront ang lahat.." sabi ko at kumuha ng pizza.
"Wait lang Em hah! Ubos mo na yung pizza koooo" sabi ni Althen sabay tuslok ng tinidor nya sa pizza ko. Ako naman syempre, kinamay ko nalang at sinubo sa akin. Bwahaha!
"Ano ba yan Em.. Wag na. Alam ko na.." sabi ni Hannah
"Wait lang Han, alam mo na pala.. tapos maghihinala kanalang, mali pa."
"Anong mali dun? Alam kong sila na ni Jess nung sa Canada pa.."
"Hannah!! May topak ka nga!!" Sigaw namin ni Althen.
"Alth, alam mo na o nalaman mo o hindi?" Tanong ko kay Althen. Nakikisabay nalang kasi!
"Syemre nalaman! Kahapon. Nung ako yung nagcheck ng papers natin sa Science, nabasa ko. Atsaka napagtanto ko na kasala na yata sila" sabi ni Althen.
Isa pa tong- ahmp!!
"Ano???!" Biglang napatayo si Hannah sa sinabi ni Althen.
"Kalma Han. Isa pa to oh! Mali ka din!" Sabi ko't pinaupo ulit si Hannah
"Ano ba talaga ang tama Em?!" Aba, sila nanaman ang sabay. Ano to.. parang the buzz lang.
"Si Darren at si Jess ay-"
"Ano?!" Tanong pa nila.
"Patapusin nyo nga muna ako! Excited much?! Diba may lalaking kapatid si Jess sa ibang bansa? Dahil nung dati pa'y Espanto na si Jess at nakita ko kagabi sa facebook.. teka? Teka? Oo yun nga! Sa facebook nakita ko yung album na may pics nila ni Darren na my caption ni Jess na.. Together with my loving brother. May selfie silang dalawa tapos nung pumunta sila sa Hongkong.. nandun din.. tapos nagsusubuan din pala sila! How sweet! Tapos nung tinignan ko naman yung fb ni Darren. whooa! Di nga ako nagkakamali! Espanto siblings sila! Magkapatid! Grabe, nalaman ko kasi nung sinabi ni Kuya na Espanto din pala si Jess ayun nga, nakalimutan ko yung fact na yun.. kaya I search and search .. hanggang di ko na namalayan.. na ginuyam na yung BreadPan sa higaan ko.. sayang yun! So, pinagpag ko na nga't inubos.. tapos after that, nagulat ako nung may nag message sa akin. Si Kysler lang pala.. nagtanong about kay Miss Lynie, grabe.. may tama yata ang kapatid mo Alth kay Lynie. Haha! Natawa ako dun kagabi! Tapos akala yata ni Kuya tulog na ako.. pero kagabi! Hahaha! Rinig ko yung kanta nya! Hahaha!"
Nagulat ako sa Expression ni Althen at ni Hannah
"Tapos na Speech mo? Em?" Agad na sabi ni Alth na nakapoker face.
Ganun din si Hannah, kaso naka make face sya
"Wow hah, walang support mga bestfriends? Konte nalang.. pwede na akong maging imbestigador no?!" Sabi ko.
