Bite 2

4.3K 174 26
                                    

*Bite 2*

~Bestfriends accepts who you are and what you are not.

-

Ember's POV

"Yummmm"

Nguya-nguya ko. Wala akong paki.

(Insert--> Lupang Hinirang song)

Kahit po'y kumakain ako, nakalagay parin ang kanang kamay ko sa dibdib ko. Show respect to our country ika nga.

"Ano ka ba Em, mauubos mo na yang 'sang dosenang ChocoTops na yan. Ang lakas mo parin ngumuya, para kang di dalaga"

Pagrereklamo sa akin ng klasmeyt kong si Lavenia.

Napatingin naman sa akin si Hannah, She just shrugged her shoulders.

"Esh,gutomsh ako esh" sagot ko sa kanya ng nakayuko.

Maldita kasi. Wag nalang nating pansinin ang pagkaganyan nya,sanay na ako dyan.

"Em, Dont talk when your mouth is full"

Singit naman ni Lori, ang class president namin na nagbabantay sa pila namin.

Manonosebleed ka talaga sa pagkaEnglishera nyan.

"Ang mamatay ng dahil sayooooo" pagkanta nila ng sabay sabay.

Kumakanta nga po sila. Di ko lang alam kung pano nila nagawang suwayin ako.

4th year high school na po ako, baka malito kayo. Nasa section STAR ng regular students.

Matapos ang Flag Cermony, syempre naubos ko na agad yung ChocoTops kaya solve na po ako! Pero sabi ng tyan ko, Kulang pa daw? Hay, Sobrang Demanding kasi ng stomach ko.

Kaya Dumiretso na kami sa kanya-kanyang respective rooms.

"Class, we have to change our sitting arrangements"

Agad na sabi ng advicer namin na si Ma'am Fajardo

"Wey! No way!" Pagrereklamo ko na kasalukuyang nakaupo sa minamahal kong trono.

Ganda na nga ng pwesto ko eh, Malapit sa pintuan.

"Ano nanamang arte yan ni ma'am no?"

Bulong sakin ni Hannah, katabi ko yan syempre.

Ano pa ba ang silbi ng ng kaibigan?

"Tama ka Hannah! PagBoy pa naman ang makakatabi ko, naku! Wag na po!"

Sabi ko na may pagiinarte

"At bakit naman Em? ManHater lang ang peg? Asus! Oo na kasi dahil yun kay--"

At tinakpan ko yung bibig nya. Ang dal-dal naman kasi.

"Hannah, Past is past"

Sabi ko at inayos ang pagkakaupo ko

"Past is past? Pero hindi parin Lumili-Past!"

Sabi nya

"Ano ang chismis for today Miss Hannah Ban?"

Nabigla ako sa sabi ni Ma'am Fagardo na ngayo'y may pamatay na tingin kay Hannah

Yan naman kasi ang sinasabi ko eh, May 'di pa lumili-past' pang nalalaman.

"A-ah, Ahm. Ma'am.. Hello!" At nagpacute pa si Hannah

Takteng Bata naman oh. Bupels na Bupels.

"Wala po yun ma'am, may tinatanong lang sya about sa sitting arrangements" pagtatanggol ko sa kanya. Grabe! Nakakatakot yung tingin ni Ma'am!

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon