Bite 39

1K 46 1
                                        

*Bite 39

~ Three things that cannot be long hidden are the sun, the moon and the truth.

-

Ember's POV

Umaga na naman. Parang ayaw ko atang gumising--gumising sa katotohanan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ni isang patak ng luha ko ay wala akong naramdaman. Hindi naman siguro ako manhid para hindi makaramdam diba?

"Em.. gising na! Baka kinakain mo na naman ang mga unan mo diyan!" Sigaw ni mama sa may pintuan.

Paano ko kaya haharapin ang mga tao? Pano ko haharapin si Lance? Pano ko haharapin ang mga taong mahalaga sa akin? Kung ang sarili ko ngang nararamdaman ay hindi ko matanggap-tanggap.

Naniniwala na nga ako sa kasabihang, Truth hurts but it will set you free. Mahirap pero dapat. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging malakas.Para sa mga taong mahalaga sa akin.

"Oo ma! Gising na! Tsss!" Sagot ko kay mama.

Nang bumaba ako ay nadatnan kong nasa baba si Darren. Teka?! Anong ginagawa nito dito?! Tapos cloud nine lang, hindi pa ako nakakapagsuklay tapos nakapangtulog pa ako.

Hahakbang na sana ulit ako pataas ng hagdan nang magsalita si Darren.

"Good Morning Ember" sambit niya.

Unti-uti akong humarap sa kanya at pinagsusuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay ko. Mabuti't naisipan ko kaninang paggising ko na manalamin kung may muta pa ako. Kung wala--naku! Nakakahiya!

"Em, nakakahiya kay Darren. Magbihis ka na nga. 7 am ang pasok niyo tapos 6:45 na. Hindi ka parin kumikilos diyan" saad naman ni mama.

Kaya ayun, ginawa ko na ang mga morning rituals ko. Tumingin ako sa salamin.

'Ember, face them. Kaya mo yan! Kerei!'

Nagbreakfast na din ako kasabay ni Darren. Aba naman, akala mo anak talaga siya ni mama. Maka-mom. Aba, nasanay.

Sabay kaming pumasok ng school ni Darren. Sa jeep pa nga kami sumakay kasi errr- natrauma ata ako and besides, jeep naman talaga ang sinasakyan ko papuntang school.

Intramural pa rin ngayon kaya hindi masiyado busy ang mga estudyante. Pwera na lang kung may sinalihan man sila.

'Darren! Congrats!'

'Hi, Darren! Penge ng # mo!'

'Darren, kyaaa! Ang gwapo mo!'

'Darren! Ang galing mo kahapon!'

'Waaaa! Darren. Pa-authograph'

Nakakarindi ang mga pinagsasabi ng mga fan girls niya. Parang dati lang, si Lance ang ginaganyan nila. And speaking of Lance, na saan na kaya yun?

"Darren, wag ka nang bumuntot sa akin. Tsss. Hindi kita chaperone. Kaya--"

"Em, payagan mo lang akong gawin to.. please"

"Fine.."

Bumuntot siya sa akin hanggang sa fourth year department. Dumarami na ang mga fans niya ah? Marami din ang nagbubulongan kung bakit daw magkasama kami ni Darren. E paki ba nila? Darren insisted it. No choice lang talaga ako.

'OMG. Kawawa naman si Prince Lance'

'Oo nga e. Around 7 pm daw yung aksidente. Malapit sa South Hills Village'

'Grabe, truck pa naman ang nakasagasa sa kanya'

Napatigil ako ng marinig ko yun sa tatlong babaeng naguusap-usap sa may hagdan. Did I just heard the name 'Lance' and our village? Na south hills village.

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon