*Bite 47
~No one falls in love by choice. No one stays in love by chance. It's by work. And no one falls out of love by chance, its by choice.
-
Ember's POV
Mga ilang segundo na din kaming nagtitigan na dalawa ni Darren. Nakatayo pa rin kaming dalawa sa labas ng Shakeys. Walang kibo. Umiba ang aura ni Darren. Mukha na naman siyang dragon.
"Speechless Ember?" Tanong niya.
Ang lamig naman. Ang cold niya ha! Grabe, maka-conclude naman siya akala niya siya yung boyfriend ko e hin---
"Excuse me? Ikaw na naman ba 'yan Darren? Wow. We meet again" singit ni Heidryll.
Sumunod pala siya sa amin. Sumama naman ang tingin ni Darren kay Heidryll.
Si Heidryll naman todo ngisi lang. Napangiwi tuloy ako."Oh ano? Masaya ka?" Sabi ni Darren.
"Bakit ba Darren? Ano mo ba si Ember? Huh? Pre? Bata ka pa sa mga ganyan. Sa pagkaka-alam ko, SECOND YEAR KA PALANG" marahan naman na sabi ni Heidryll pero may halong asar.
"So what if Im young? Unlike you na ang tanda tanda na!"
I was shocked when Darren clentch his fists. O-oh, gusto ko mang awatin sila pero parang napako ako sa kinatatayuan ko.
"So ano? Why Darren?" Tanong naman ulit ni Heidryll. Bigla namang napakunot ang noo ni Darren at umiling.
"So ano na nga Darren?" Sabay smirk ni Heidryll
Pipikit na sana ako kasi susuntukin na sana ni Darren si Heidryll kaso natanaw ko ang paparating na--- why are they together?! Wait, alam kong ayaw niya akong pakawalan but bakit sila magkasama? Hindi niya ba ako hinatid because of her?
"Excuse me mga pare! Oy Darren! Ano ba 'to!?" Sabay hawak ni Lance sa braso ni Heidryll. Sa kabila naman ay pinipigilan ni Jaylla si Darren.
"Bro, what trouble is this?" Alala namang tanong ni Jaylla.
Parang lalo akong nawindang. They are together, they are lovers before. They dont broke up--like Hannah and Darren before.
"Excuse me lang ha, ano ba niyang bata na yan si Ember?" Sabi ni Heidryll.
"Sumagot ka nga Ember kung ano mo siya" dagdag niya pa.
Nqpatingin naman sila sa akin. Mukhang nagulat naman si Lance at si Jaylla. Guilty sila? Pero errr-- wala na naman akong nararamdaman kay Lance a. Hindi naman ako nagseselos.
"He's--he's just a friend." sabay yuko ko.
Tama naman ang sagot ko diba? Wala naman kaming relasyon na dalawa. He's courting me--Yes. Pero nandiyan si Lance. Si Lance ang boyfriend ko--na may kasama naman palang iba.
"So, no problem naman pala if kasama ko siya e! O ano Darren?!" Ani naman ni Heidryll. Inirapan lang siya ni Darren at nag-smirk.
Biglang binitawan ni Lance si Heidryll at nasuntok ni Lance si Heidryll.
"Im her boyfriend dude. Im Nathan Lance Mariano! Kaya wag na wag kang lalapit sa girlfriend ko!"
Napahawak naman si Heidryll sa gilid bibig niya na dumugo at nagawa pang ngumiti.
"Totoo ba yun Ember?" Paninigurado ni Heidryll.
"Yes. He's my boyfriend" sagot ko.
Labag man--pero yun ang totoo.
Nagulat na lang ako ng kumalas si Darren kay Jaylla atsaka lumapit sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/20383913-288-k393510.jpg)