*Bite 15
Ember's Pov
"Perfect!! Yes! Nagawa ko din kuya!" Sabay talon-talon ko pa dahil pagkagaling ko galing sa school ay nandun na si kuya sa bahay at simula nung ala-sais pa ng hapon ang pagtuturo niya sa akin hanggang ngayong madaling araw.
"Ayan pala e, ang dapat sayo Em--"
"My inspirasyon kuya?" Sabay tikim ko pa ulit sa niluto namin ni kuya na tinolang manok.
*pakkk!*
"Aray naman kuya.. napapadalas na yang pananapok mo sakin huh? " sabay haplos ko sa ulo ko at humikab na rin... anong oras na nga ba?
"Anong sayo? Hay embera ka! Kahit turuan pa yata kita ng ilan pang putahe.. hindi ka talaga pasado" pailing-iling pang sabi ni kuya.
Oo, masaya ako kasi nagawa ko ding-- ay, hindi pala. Tumulong nalang ako kay kuya kasi masasayang nanaman ang mga ingredients ni mama. Lagot! Pero happy pa rin ako deep inside atleast I tried. Basta I'll try and try until I succeed! Aja! Hindi naman siguro magiging kolelat ang school namin kasi andyan din si Darren..
Cloud nine... alas-dos na pala ng umaga.
"Kuya naman e.. wag mong i-under tong kapatid mooo.. sinasabi ko sayo.. this food-ca-camp wi-will take me--Zzzzz" sabi ko hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
---
"Ember? Ember!! Gising!!"
"Anobayanoy?? Hootdoggg"
Naramdaman kong may kumukurot sa akin kaya nagising ang diwa ko.
"Kala ko aalis kana ngayon? 5 na ah? 5 alis mo!!" Sigaw ni mama sa akin na mukhang naaalimpungan pa't siguro'y nagising lang dahil kukuha lang ng-- teka?!
"Ano ma?!!" Napatayo ako sa lamesa at bilis-bilis na pumaitaas at nagempake! Cloud nine! Hindi pa ako nakakapagempake kagabi + puyat pa ako + di pa ako prepared sa mga dadalhin ko! Cloud 9!
Dali-dali akong naghalungkat ng cabinet at pinaglalagay ko ang mga undies, mga damit,notebook,ballpen,pampabeauty stuffs like pulbo,lotion,perfume at marami pa sa maleta at ibinaba na.
Agad akong kumuha pa ng isang malaking paperbag na tela na paglalagyan ko ng ipinapadala sa akin ni Darren.. not with the kalderos na bibitbitin ko nalang kasi.. obvious naman? Anlaki kaya.
Dali-dali naman ulit akong dumeretso sa cr at naligo. Ano pa ba? At sa wakas, ready na ako. Ano pa ba ang nakalimutan ko? Oh yeah! Baon ko pa pala.
"Ma..." sabi ko kay mama na naka-nap sa ibabaw ng lamesa habang nakaupo. Agad naman itong nagising, di tulad ko.. tulog mantika.
"Alam ko na anak, oh 5 thousands. Okay na yan? Tumawag ka nalang kapag nakapos kana.. pasalamat ka. Tumawag ang papa mo kagabi pero huwag kakalimutang magtipid" sabi ni mama't ibinigay iyon.
"Youre the best ma!" Sabay kiss ko sa kanya at nagpaalam.
"Wait " at tinignan ni mama yung mga dala ko.
"Parang dala mo na yung kusina natin Em ah"
"Mama naman e, ngayon lang to. Bye ma!" Sabay bitbit ko ng mga gamit ko palabas ng bahay. Swear! Mabigat talaga. Sana naman... may taxi na kaagad. 5 ang usapan pero magsisix na!
---
"Youre late" sabi ni Darren pagkadating ko sa airport.
"I know" sabi ko.
"Nice, I already booked a ticket last night and we've gonna check in now.. 6:15 is our flight.. so good so well... cause its already 6:15!!!"
May pagkasarkastiko pang sabi nya.
