*Bite 9
Lavenia's Pov
Ewww. Epal talaga yung hannah na yun! Ever! Sampalin ba ng ganun ganun lang si Jes? Antipatikong babae. Kung ako kay Jess kanina, I'll slap her back twice. Like duh! Ambisyosa talaga.
"Mukhang di maipinta ang face mo girl!" Sabi sa akin ni Alyssa.
"I dont care. Inis lang talaga ako" and I flipped my hair
"Why Girl? Any problem? Here! Cheka natin." Sabay bigay ng Choco boom sa akin
"Ang cheap mo naman girl. Choco boom? Sige na nga! Hay. Nakita mo naman siguro yung scene kanina nina Jess at Hannah" and I smiled devilishly
"So? Resbakan natin girl?" At natuwa si Alyssa. She loves taking revenge.
"Well, Your right! Let's see kung ano ang mapapala ng hannah na yan"
Humanda ka Hannah ... Hahaha! Im so excited!
---
Ember's Pov
"Bilhin mo yan.. yan pa.. tsaka yun oh, eto pa. Tapos ayun" sabi ko kay Lance habang tinuturo ang mga ipapabili kong pagkain sa kanya dito sa canteen. Tignan lang natin kung may laman pa mamaya yang pitaka mo! Hahaha
Grabe ang loko. Sunod-sunoran sa akin.
"Oh eto na lahat" sabi nya nang mabili nya ang lahat na yun.
"Whaha. Eat that all" sabay tawa ko sa kanya.
"So ganun pala? Edi itapon nalang natin!"
Itatapon na nya sana yung mga pagkain pero pinigilan ko. Seriously? He's goin to waste foods? andaming nagugutom kaya sa pilipinas ! tapos Iwawaldas nya lang.
"Paghatian nalang natin, gutom na rin ako e" sabi ko't umupo na sa isang table dito sa canteen.
"Yan. Mabuti pa" sabi nya't umupo na rin.
"Say ah" sabi ko at susubuan ko sya.
Ang sweet ko no? Haha!
At ang uto-uto. Sinubo nya nga
"Shit! Spicy damn shomai!" Sabi nya't uminom ng tubig.
"Haha. Ubusin mo yang lahat ng shomai. Promise. Sasama ako sayo"
at kumain na nga ako.
"Alright" sabi nya't kinain nya nga!
What the?
"Akala ko ayaw mo ng maanghang?" Tanong ko sa kanya
"Syempre. Gagawin ko lahat para makasama ka lang"
*silence*
Natapos na naming kainin yun ay dumeretso na kami sa parking lot.
"Motor?! I dont want to ride there" pagrereklamo ko.
Mas mabuti pang sumakay ako ng padyak kesa dyan e!
"No choice ka. Sasama ka sakin. Whether you like it or not" at initsa nya saakin ang helmet nya.
"Eto pa, mabigat ang helmet. Di ako sanay gamitin yan"
"Susuotin mo yan o hahalikan kita?" Sabi nya
Gulp.
Sinuot ko nalang yung helmet at sumakay sa likod nya
