Bite 28 ( continuation)

956 56 2
                                        


Napa-face palm si Darren.Si Hannah naman grabe ang tawa.

This is my nth time to drink. Hay, sino ba naman kaya ang nagturo sa akin uminom? Edi si Denvero. Sabi daw niya, para masanay daw ako at hindi ma OP sa mga gimmicks. Aba naman?

Uminom muna si Darren at sumagot ng "Truth". Para akong kinilabutan sa sagot niya. Ewan ko ba sa sarili ko na maski ako, hindi makaintindi.

"Woooo Kid! Sinong magtatanong?" Sabi naman ni Lance. Pa-unti-unti na ring lumulubog 'yung araw. Ang bilis naman ata?

"Spin mo na lang ulit Hannah" suggest ni Lance kaya inulit ni Hannah.

"Ember, nice question dapat hah!" Sabi ni Hannah. Whoa, saakin natapat yung bottle. Cloud nine, anong itatanong ko?

"Ako ba?" Paga-assure ko pa.

"Yes Dawn, dapat may sense ha" saad naman ni Lance.

Uminom muna ako para makapagisip ng maayos.

"Ah, Darren.. Pano ka nainlove kay Hannah noon? Eh Elementary kapa yata nun?" Tanong ko.

May sense yun ha? I just want my best friend to be happy kaya ganyang tanong yung tinanong ko.

"Ah, simply because she means a lot to me" sabi ni Darren.

Biglang lumubog yung puso ko, para bang nalunod. Ah, epekto nga naman ng Jack Daniels.

Halata namang kinilig si Hannah. No wonder kung bakit mahal na mahal parin nila ang isa't isa after a very controversial conflict sa kanilang relationship. Ah, cool off lang pala sila diba for the first place? Kaya walang break ups na naganap.

Sunod naman na tinamaan ay si Lance at si Darren ang magtatanong kasi nasagot niya yung tanong.

"Old man, pinagmamayabang mo ba na maganda yung girlfriend mo? Ano ba ang kailangan mo sa kanya?" Tanong ni Darren.

Wow, Tagalog yun ha.

Maganda? Ako? Sure siya? Haha. Tapos, dapat kinakailangan talaga ako ni Lance? What a question Darren.

Ngumiti naman si Lance ng napakalaki.

"Old man your face kid. Hindi ko kailangan ang mukha ni Dawn para maipagyabang na may hitsura ang MAHAL KO. Ang kailangan ko ay puso niya na pwede kong ipagyabang dahil ako ang maswerteng nilalaman nun. Boooo!" Confident na sagot ni Lance.

Biglang nag-flash back 'yung sagot ko kanina kay Lance nung nasa kwarto ko kami. He's an understanding guy. Hay, okay na din siguro yung sinagot ko.

"Hahaha! Naks! Lakas makabanat!" Hiyaw ni Hannah at kumain ng piattos.

Inikot nila ulit yung bote at si Darren ulit yung natapatan.

"Tsss" sabi niya habang umiiling-iling.

Lance just chuckled at uminom na naman ako.

"Truth or Dare kid?" Tanong ni Lance.

"Tsk, Dare!" Agad na sagot ni Darren.

"Whaaaa! Wag masyadong hustle ha Lance hah" sabi ni Hannah.

She's a nice girlfriend. She cares at halata namang sobrang mahal niya si Darren. Paulit-ulit lang?

"Hahah! Okay, kiss your girlfriend Darren. Kahit Saan. Bahala ka" sabi ni Lance.

"What? Lance!" Sabi ni Hannah. Woo! Pero deep inside gusto niyan.

Na notice ko lang ha? Dumaldal na si Lance magmula nung naging seatmates kami.

Agad namang lumapit si Darren kay Hannah. Inilapit niya ang kanyang mukha kay Hannah. Alam ko na kung saan niya hahalikan si Hannah.

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon