Bite 17

1.3K 74 9
                                        

*Bite 17

Ember's Pov

Gabi na ngayon at nandito kami sa rooftop at grabe, hanggang ngayon nakakatawa yung pagtatagalog ni Darren.

"Ganda ng Stars no?" Sabi ni Darren pero rereact sana ako kaso nagsalita na sya ulit.

"Parehas ng mga ngiti mo" dagdag nya. Napatigil ako sa mga sinabi nya at rereact na nga ako kaso hindi natuloy dahil nagsalita nanaman sya.

"Joke lang" at pagsabi niyang iyon ay nakahinga ako ng maluwag.

"Ang daldal mo na ha! Good boy!" Sabay pat ko sa ulo nya.

"Im not a kid to be patted" sabi nya at napa-facepalm.

"Oh! English mo!" Pagsuway ko.

"Wait a minute, There is no penalty and offenses in the paper!" Sabay belat nya sakin at tumakbo. Syempre hinabol ko rin sya kaya ngayon mistulang naghahabulan kami sa ilalim ng buwan. Hay naku, kung tignan mo nga parang aso't pusa kami.

Baliw talaga si Darren, hindi nya siguro nakita ang mga consequences sa likod ng papel.


Kasi ang mga  nakalagay ay mga:

First offense: Libre mo buong araw.
2nd: slave mo 24 hours.
3rd: may 3 wishes ka sa kanya.

Napagod na rin ako sa kakahabol sa kanya kaya umupo nalang ako ulit.


"Eto naman oh, binibiro lang naman kita"

Nagulat ako sa sinabi ni Darren. Wala akong maisagot dahil parang ang straight na niyang magsalita.

"Uy, sorry na oh" sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Pasok na tayo, ang lamok na kasi e" sabi ko at tumayo. Palusot ko lang yun para iwas sa mga kilig factor ni Darren. Im not telling na kinikilig ako ha! Its just that- sige, ikaw na nga Darren. Ang bilis kasi naman niyang kunin ang loob ko.


Naligo muna ako at laking gulat ko ng matutulog na sana ako sa couch dahil nahihiya naman ako kay Darren dahil sya ang nagbayad dito pero tulog na sya dun at ang himbing pa ng tulog nya kaya no choice ako, magmamala-reyna ako ngayon.


---

Darren's Pov

Nagtulog-tulogan na lang ako dito sa couch kasi naman, ang pangit naman kung ako pa dun sa kama tapos babae pa ang nasa couch. My ghad! I cant imagine myself speaking like this. Alam nyo ba, this is my very first time na magtagalog kahit ilang beses na akong sinabihan ng ate ko pero sa kanya ko lang to nagawa because of the rule.

I cant believe na hindi din sya nagalit na nawala yung folder. Kinabahan kaya ako dun.

Dahan-dahan akong tumayo at tinignan syang natutulog.

"Akala mo, youre the only one who can stare when someone's sleeping" sabi ko pero syempre, sa isip ko lang.
Alam kong tinitigan nya ako kanina, nakakatawa nga sya kasi paulit-ulit nya pang sinasabi ang "ang promise em" habang pinagmamasdan ako.

Yung ginawa kong pagseduce sa kanya? Haha, I was just planning to irritate her and yes, I hate her. Why? Secret.

But now, I dont know if I still hate her but I know I will not going to like her.

---

Ember's Pov

"GoodMo-"

"First offense Amber!" Agad na bungad sa akin ni Darren.

Really? Counted ba talaga ang GOOD MORNING? aba naman.

"Argh! Ember pangalan ko no!!" Sabi ko.


"Sige, Dawn nalang itatawag ko sayo. Bilisan mo na, aalis na tayo after breakfast" sabi nya at umalis.

Ayus, konyo din naman yung sinabi nya tapos tanging Good Morning lang na naudlot pa, first offense na kaagad. Ang hustisya na saan?

Inayos ko na ang sarili ko at dumaan muna kami sa Sm bago pumunta sa Port.

---

"Pasensya gid mga ta nakalakat na ang pamboat, karun pa kami malakat" sabi ni Manong

Hindi kami makaintindi ni Darren sa sinabi nya. Tumango nalang kaming dalawa at umupo sa waiting area at may isang babaeng nakaupo duon kaya nagtanong nalang kami.

"Excuse me miss, san ba kami sasakay papuntang Guimaras?" Tanong ni Darren sa babae. Kaso ang babae biglang ngumiti kay Darren at tinignan yung relo nya.

"Ah, Dito yun. Kaso mamaya pa dadating yung bangka, hay! Kanina pa naman ako dito naghihintay baka mahuli pa ako sa Camp" sabi nya na may halong inis sa mukha.

"Wait, sa FoodCamp ba?" Singit ko naman at umupo sa tabi nya.

"Ay salamat gid ginuo! May upod na ako! -Ah e Oo dai, teka upo ka muna dito pogi" sabi nya. Siguradong taga-dito yun at parang intersado pa kay Darren.Umupo din naman si Darren kaso sa tabi ko.

"Ah, Taga san po ba kayo?" Tanong naman nung babae

"Ah, Kami? Taga Pasay. Etong kasama ko si Darren at ako naman, si Ember Dawn. Ikaw?" at nilend ko ang kamay ko para makipagshakes hand.

"Hannah Joy, taga dito. Dun sa Banate,Iloilo" sabi nya at nakipag hand shakes din sya. Nagsmirk naman si Darren at may binulong.

"Dont talk to strangers" sabi nya.

"First offense" bulong ko din sa kanya.


"Wow! Mag-jowa ba kayo?" Tanong nya at nag 'ayeee' pa.


"Hindi!" Sabay na sagot namin ni Darren. Tumawa naman si Hannah at nagsalita.

"Alam nyo, ganyan na ganyan din kami dati nung ex ko" at sumimangot sya.

Naalala ko naman si Hannah Ban sa kanya. Sinubukan ko namang tawagan sya kagabi pero unattended.

"Uy, parehas na tayong nasa first offense" sabay kindat nya saakin.

"Ah, kung hindi kayo magjowa. Edi, nanliligaw si pogi?" Tanong ni Hannah Joy

"Lalong hindi!" Sabay din naming sabi.

"Hahaha! Nakakatawa naman kayo! " sabi ni Hannah Joy.

Ano naman dun ang nakakatawa aber? Sinabi lang naman namin ang totoo ah?

Mga isang oras din kaming naghintay duon at nawili din ako sa mga kwento ni Hannah. Inimbitahan nya pa nga kami ni Darren sa bayan daw nila na mamiesta kapag fiest daw duon kada June 24 at may kasag festival daw tuwing december. Nakigroufie din sya samin at iaadd daw nya kami sa facebook hanggang sa mga tweeter, ig atbp. Totoo nga yung sabi-sabi na basta daw mga ilonggo, malalambing magsalita at mga palakaibigan.

---

Lynie's Pov

"The folder ma'am?" I answer.

"Yes, please bring this to them" said by the principal.

"But ma'am-"

"No more buts Lynie" she said and take a step.

"With Kysler" and she continued walking away from me.

Bakit kasama si Kysler?! May LBC naman ah? Ano na naman kaya ang pakulo ni ma'am? Papupuntahin lang kami ni ma'am duon just to give this papers? E kung ganto lang naman edi sana, ako nalang ang sumama kay Darren. Ang mas pangit pa, si Eunica at June ang magbabantay sa canteen. Ano na naman kaya ang kalabasan ng canteen?

---

Eunica's Pov

"I believe I can fly!!!! I believe I can touch the sky!!"

Ang sarap naman kasi ng hangin dito sa rooftop para akong lumilipad. Kung may wings lang ako or kapa edi nakalipad na ako kanina pa. Kanina pa ako kanta ng kanta tapos walang nangyayari. Diba may kasabihang, if you believe in something, it is not impossible to reach.

"Mangaraaaap kaaaa ng gisssing! Oh baby! Yeah! Ohoooo hoooo! Lalalala!"

*pak!*

"Panira ka kuya June!" Sabi ko habang naggogoosebumps.

"San ka ba nakakita ng tao na lumilipad at nahahawakan ang langit?" Sabi nya at nilagay ang kanyang mga kamay nya sa kanyang baywang, yung tipong nakapose.

"Wag kang OA kuya bakla, kanta yun!" Sabi ko.

"Oh, kung kanta nga yun. Sino ang kumanta nun?" Tanong nya pa.

"Kuya naman! Common Sense! Edi ako" sabi ko at nagsmile ng napakalaki


"Hindi bagay ang smile na yan, mahiya ka naman" sabi nya at nagroll eyes. Bakla nga talaga, ayaw pang aminin. E crush nga nya si kuya Lance e.


"Kuya, ang kumanta nun? ang the foreigner" sabi ko.

"Baliw. Walang foreigner" sabi nya.

"Ah basta! Bakit ka pala nandito kuya?" Sabi ko at umupo.

"Magbabantay tayo ng canteen" sabi nya ng diretso.


"Hindi ba pwedeng pinaintense mo muna kuya yang sasabihin mo? Ang straight mo naman! Eto, totoo na ba yan kuya? Bukas na yan? Ano? Mamemorize kaya natin lahat ng presyo ? Hay kuya bakit naman daw?" Sabi ko.

"Wow ha, pinaintense mo nga naman." Sabi ni Kuya at nagroll eyes ulit. Aba, baka mabulag ba to sa kakaroll eyes sakin.

"Eh?"

"Keri natin yan! Isang araw lang naman kasi pupuntang iloilo si Lynie" sabi nya at nag-AJA!

"Okay, machachallenge ako neto!"

---


Althen's Pov


"One, two, three, bite your lips!!" Sabi nung photographer na bakla.

Totoo, parang pinagnanasaan ako neto. Juice ko, ginagawa yata akong seductive. May patopless pang nalalaman at parang sexy poses ang alam. Kanina pa akong punong-puno sa baklang ito. Naku! Kung di lang to malaking project edi sana nireject ko at pinuntahan si Hannah. Strikto pa ang malanding bakla na to, kung makapagsabi ng mga poses akala mo rapist na sa linis ng utak, I mean sa kadumihan pala.

"Okay!!! Lunch break!! Teka-- ah, Khrys Althen, this shirt ang susuotin mo mamaya!" Sabi nung bakla at ibinigay sakin ang - teka? Ba't likod lang ang natatapunan at sa harap necktie lang? Nakaka-argh! Ampupu na talaga magModel! Ganto pala yun! Nakakabadtrip.


"Ah wait, Khrys! Boxers lang ang ipepair mo dyan" at umalis na sila sa studio para mananghalian. Aba, anong tingin nya sakin? Juice colored! Im in trouble!

---

Lance's Pov


"Cebu Pacific Airlines flight 5J4E1 going to Iloilo please proceed to the Gate 1 now"

Aalis na ako, mababantayan na kita Em.

---end--

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon