*Bite 52
~Love is to suffer.The greater your capacity to love, the greater the capacity to feel pain.
-
Ember's Pov
He's kissing me now and I respond to it with full of love. There's alot of shiver through out my body. It looks like, it won't last. This passionate kiss makes me think that he really can be mine.
Ganto pala 'yung feeling.Akala ko kasi dati, nakakadiri. Yung parang ginagawa niyong baso ng tubig ang bawat isang labi dahil uhaw na uhaw kayo sa isa't isa. Kaloka man pero cloud nine lang! Ang sarap pala talaga.
"Ember?! Hoy?! Anong nginunguso-nguso mo?! Hahaha!"
Bigla akong nakaramdam ng pagyugyug sa katawan ko na naging dahilan ng--what the?! Im just hallucinating! Nakita ko agad ang tumatawang si Darren na hawak ang magkabilang balikat ko. Kahiya naman! Napalunok tuloy ako ng laway atsaka nakagat ko pa ang labi ko. Agad naman nang binitawan ni Darren ang pagkakahawak sa akin.
"Uy? Daydream mo yun? Amazing! Haha!" Sabi ni Darren hawak na ang tiyan niya sa sobrang kakatawa.
"Tigilan mo ako Ren. Hayts! Wala yun!" Pagdedepensa ko.
Dali-dali na akong pumasok sa loob atsaka inayos ang mga gamit namin. Alas'tres na ng hapon kaya balak ko nang mamasiyal. Bahala na yung Darren na yun. Magiisip-isip muna ako kung pano siya paamuhin.
Habang naglalakad ako sa sea-side ay may taong lumapit sa akin. Sa gulat ko'y napasigaw ako pero ang mas ikinagulat ko ay ang pag-akbay ni Darren sa akin na hindi ko ineexpect dahil ako lang naman magisa ang namamasiyal.
"Long time no see, Heidryll." Nakangisi pang bati ni Darren kay Heidryll.
"How great is it. Can I call this fate? Wow. Nagkita pa din tayo dito." Sagot ni Heidryll na mukhang may pagkasarkastiko.
"Uhm, Heid. Sige! Una na kami ha. Bye!" Sabi ko sabay hila kay Darren papalayo kay Heidryll para makaiwas gulo. Alam naman na kung ano kainit ng ulo ni Darren kay Heidryll.
Nang makaupo na kami sa isang restaurant ay agad na nagsalita si Darren. Oo, sa restaurant kami pumunta. Eh sa ginutom ako e! Tsaka sisimulan ko na ang panliligaw ko sa kanya. I mean, I have to confess my feelings to him na.
"Bakit ba umaalis ka nang magisa Ember? You left me there without knowing that someone will--"
"Darren, okay ako. Gusto ko lang naman mapagisa." Sagot ko sa kanya.
Mabuti't dumating na 'yung waiter at umorder na din kami. Puro seafoods ang nasa menu nila kaya ang ending, silly fried shrimps lang ata ang nagustuhan ko.
Tumingin ako ng diretso kay Darren na siyang nakatingin sa labas. His face seems so problematic. Pero hindi ko mabasa kung ano iyon.
"Something is bothering you Ren?" Tanong ko sa kanya't tumingin siya sa akin at umiling.
Huminga ako ng malalim. Ngayon ko na sasabihin kung ano ang nararamdaman ko. Mahirap kaya magipon ng lakas ng loob. Mahirap din lunukin ang takot. I will admit to him na gusto ko siya, as a man. I want him to be mine. I want him to be with me forever. Kahit sabihin man nilang walang forever, basta sa amin ni Darren ay may foodever.
"I have something to say Ren. Pakinggan mo naman." Sabi ko sa kanya pero hindi nakatingin sa kanya.
"Look at me. What is it Ber?" Sabi niya at napatingin ako sa kanya.
"Youre only 14 year old boy. An intellegent and ideal boy that every girl's dream. In that--"
Naputol yung sinasabi ko ng dumating yung crew at hinapag niya yung mga pagkain namin. Wrong timing ang pagkain.
