Bite 50 (continuation)

866 36 4
                                    

Napatingin naman ako sa reaksyon ng apat. Si Darren mukhang wala lang sa kanya. Si Althen na mukhang dismaya. Si Kysler na mukhang naghihinayang. Si June na mukhang may iniisip at kita sa mga mata niyang natutuwa siya. Kay landing bakla! Haha.

"Han, susunod lang ako sa inyo" sabi ko sa tatlo at pumaitaas na din sila.

"Ember... bakit mo sila hinayaang dun matulog? Huhu" may halong dismaya sa tono ng boses ni Althen at talaga namang parang bata na nagsusumbong.

"Oo nga. Tama ka bro! Tsk. Sayang!" Sabi naman ni Kysler at ganun din ang reaksyon niya.

"Sus. May balak lang kayo e! Osya! Tara na sa room niyo!" Sabi ko at humakbang na sa hagdan.

"Ano?!!" Sabay pa nilang sabi.

Napatingin naman ako sa kanila. Mga gulat na hotdog—este mga lalaki. Haha.

Nakaramdam na naman ata ako ng gutom.Psh.

"Duh.. ang green niyo! Siyempre, para maibigay din sa inyo ang mga unan at kumot! Luke duh~ walang natutulog dun ngayon" saad ko at pumaitaas na nga at dumeretso sa room nina kuya. Sumunod din naman sila sa akin.

Pagkapasok namin ay agad namang humiga sa kama sina Althen. Dalawa kasing master's bed e. Oh diba? Haha.

"Meme.." nagulat ako sa bulong ni June sa akin. Kala ko multo! Sa boses ba niya na parang napaos.

"Oh ano?" Sabi ko habang naglalagay ng punda sa unan.

"Meme..this is it" at mukhang kinikilig ang gaga.

"Oy June. Wag ka ha. Kung gusto mo dun ka na lang sa—"

"No.No.No way." Tanggi niya.

Edi sige, magpakasaya ka na June ngayong gabi—ay madaling araw na pala. Kaloka!

"Oy mga unan niyo oy!" Sabay hagis ko ng mga unan pati mga kumot.

Hanggang sa lahat sila ay nakatulog na kaagad. Si June sa tabi ni Althen na nasa kama ni kuya Denver. Si Kysler at Darren naman sa kama ni kuya Deiver.

Lalabas na sana ako kaso may nagsalita.

"Goodnight my bear.." aniya at napatingin ako sa kanya. Nakapikit siya at animo'y nakatulog na nga. I sigh at napa-smile ng konte.

"Goodnight Ren, Goodnight boys" sabi ko at sinarhan na ang pinto.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay mukhang may tinitignan sila. Tinignan ko din naman at Waaaaaa! Yung scraptbook na ginagawa ko kay Darren.

"Uy, mga baliw! Private yan!" Sabay kuha ko nung scraptbook at inilagay sa cabinet.

"Uy. Ember! Haha" pang-aasar ni Lynie.

"Ate Em, ang corny mo pala. Haha" saad din ni Eunica na patawa-tawa pa.

"Hay Em, ligawan mo na kasi" sambit naman ni Hannah.

"Guys, wag nga. Mga babae tayo no" sabi ko at nagcrossed-arm.

"And being a girl also need efforts to win his love. It is not about who moves first, it is actually the LOVE that is really important after all" ani ni Lynie.

Ayan lumabas na nga ang pagka-englishera niya. Napahawak naman kaming tatlo sa mga ilong namin at nagtawanan.

"Haha. But Ember, Lynie is right. Once you love someone, you need to suffer first" sabi naman ni Hannah.

O sige, english na pala ngayon hah. Pero—grabe naman, pag-amin palang nga kay Darren deny ako ng deny.. Ligawan pa kaya?

"Yes Ate Hannah. Ate Ember, sometimes you need to chase first before catching him. It can make him happy in a way.. though it looks like opposite. But I say to you ate, we're hundred percent sure that he's on you" dagdag naman ni Eunica.

Love at  First Bite (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon