MISTY JANE POV:
(Sunday Night) Nakarating na kami ni Shielo sa boarding house at nadatnan namin doon si Sassy. As usual hindi ako makatingin sa kanya at hindi ko rin sya magawang batiin man lang. Nahihiya kasi ako, dahil ako ang dahilan kung bakit nasira ang masaya sana nyang kaarawan.
Si Shielo ang unang bumati sa kanya, samantalang ako ay tahimik at nakayuko lamang at pag-angat ko ng aking paningin ay napakagat ako sa aking labi na halos dumugo na ito dahil nakita kong tinitingnan nya ako ng walang emosyon. "galit pa rin sya sa akin" naisip ko.
Yung dating napakaamo at malambing na Sassy ay hindi na ako pinapansin. Nakakalungkot naman. Wala na rin akong mukha na ihaharap pa kay K-zel at nahihiya na rin akong magpakita pa kay Aica kahit alam kong hindi ako matitiis ng isang yun dahil sobrang mahal nya ako. Kaso nga lang, wala talaga akong maramadaman na pagmamahal para sa kanya.
Masasabi kong sa lahat ng gf ko ay si K-zel talaga ang pinakapaborito ko. Dahil bukod sa mahal nya ako ay close din ako sa mama nya. At inaamin ko na gusto ko din sya pero galit na galit sya sa akin ngayon kaya papalipasin ko nalang muna ang mga araw bago ko sya haharapin at personal akong hihingi ng kapatawaran sa mga nagawa kong kasalanan.
Si Sassy naman ay hindi ko gf pero inaamin ko na sobra ang paghanga ko sa taglay nyang kagandahan. Pero galit din sya sa akin ngayon at turn-off din malamang. Dahil nalaman nyang may mga gf ako habang dinidiskartehan ko siya.
Feeling ko ay pinaglalaruan ako ng kapalaran. Dahil sa dami ng gf ko ay bakit sa bestfriend ko pa tumibok ang puso ko? Gayundin sinabi nya sa akin na maging magkaibigan na lang daw kami. Ang sakit sa pakiramdam pero wala naman akong magagawa kung yun ang kanyang nais.
Maya-maya ay pumasok na sila Sassy at Shielo sa kanilang kwarto at pumasok na din ako sa kwarto ko. Sa dami ng iniisip ko ay pabagsak akong humiga sa kama ko, gusto ko munang ipahinga ang utak ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at mabilis naman nakatulog dahil na rin siguro sa puyat noong nakaraang gabi.
(KINABUKASAN)
Naglalakad kaming tatlo nila Sassy at Shielo papasok ng school. Nang muli ay humabol ang isang matangkad at gwapong lalaki sa amin, si Michael yun. At napasimangot ako nang makita kong tumabi sya kay Shielo.
"Heto nanaman yung asungot" bulong ko. Sobrang hina nun kaya walang sinuman ang makakarinig.
"Good morning guys." Bati nya sa amin pero ang mga mata nya ay nasa kay Shielo nakatutok. Mas lalo tuloy akong nainis.
"Good morning Michael." Halos magkasabay na sagot ng dalawang kababaihan.
"Siya nga pala. May ibibigay ako sayo Shielo." Nakangiting wika ni Michael sabay abot kay Shielo ng bouquet ng red roses na itinago nya sa kanyang likuran.
Nakasimangot akong tumingin sa tagpong iyon. At parang gusto ko nang mag super saiyan nang makita kong tinanggap ito ni Shielo habang nakangiti. Pero pinigil ko ang sarili kong emosyon at nagkunwaring walang pakialam.
Magkaibigan lang kami, maliwanag na sakin yun. Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Sa dalawang beses na nahalikan ko sya naramdaman ko ang libong boltahe ng kuryente na gumapang hanggang sa kaibuturan ng aking mga kalamnan. Kaya't nakasisiguro akong mahal ko talaga sya. Ngunit magkaibigan lang kami. Bestfriend lang. Ang sakit isipin pero kailangan kong tanggapin.
Natapos na ang Geometry at TLE subject namin. After recess Chemistry na. Dating gawi. Tatakas ulit ako Tatalon ulit ako sa bakod. Nawalan na din naman ako ng ganang pumasok dahil nakakasawang makita si Michael habang umaali-aligid kay Shielo na parang insekto.
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...