Chapter 36: I Just Met Her

23 1 0
                                    

PRINCESS YVETTE POV

"Nice to meet you Princess Yvette." Ang sabi sa akin ng nagpakilalang MJ.

Hindi naman ako nag-atubiling sumagot.

"Nice to meet you too MJ." Sagot ko saka ako ngumiti ng marahan.

"Uhm pasensya na MJ kailangan ko ng umalis." Yumuko ako sa kanya at mabilis na lumakad papalayo. Hindi ko na rin hinintay ang sagot niya dahil nagmamadali ako.

Paglabas ng mall ay sumakay ako ng taxi at maya-maya lamang ay nakarating na ako sa aming tahanan at nadatnan ko si nanay sa terace namin.

"Mano po inay." Magalang kong bati sa aking ina sabay abot ng kanyang kamay.

"Kaawaan ka ng Diyos anak." Sagot niya sa akin. Sabay ngumiti ng buong pagmamahal.

"Nay may pasalubong po ako sa inyo." Masayang bigkas ko.

"Tara po sa kusina at pagsalohan natin ang masasarap na pagkain na aking binili."
Dugtong ko pa habang maluwang ang ngiti.

Nakita ko naman ang saya sa mga mata ng aking ina na siya kong kaligayahan.

Ako si Princess Yvette Dixon. 18-taong gulang at isang working student. Dala ko ang apelyido ng aking ama. Bagaman hindi ko pa siya nakakasama ng personal kahit minsan sa buong buhay ko dahil isang taong gulang pa lamang daw ako ay iniwan niya na kami.

Noong bata ako ay pinangarap ko siyang makita at makilala ngunit hindi natupad iyon. Dahil ang sabi ni nanay ay may iba na daw siyang pamilya. Kaya tinanggap ko na lamang na wala nang paraan na makilala ko siya. Dahil ni hindi ko nga alam kung saan siya nakatira. At ang tanging alam ko lamang sa kanya ay ang pangalan niya.

Maliwanag na pinabayaan niya kami ni nanay pero ganunpaman ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Dahil kahit wala siya ay nabuhay kami ng masaya ng aking ina at hindi ako nakaramdam ng pagkukulang sa bagay na ito.

Mahal na mahal ko ang aking ina. Sa kanya umiikot ang buong mundo ko. Minahal niya ako at inalagaan simula noong bata ako. Kaya ngayong malaki na ako ay ako naman ang mag-aalaga sa kanya.

Pinagpahinga ko na si nanay sa kanyang pagtatrabaho bilang isang vendor ng kakanin sa palengke. Sa halip ay ipinagpatayuan ko na lamang siya ng isang maliit na tindahan sa harap ng aming tahanan noong nakaipon ako ng malaki-laki mula sa mga extra online business ko.

Samantala, masaya naming pinagsalohan ang mga pagkaing pinamili ko kanina at syempre hindi mawawala ang paborito niyang kare-kare.

Matapos ang ilang gawain ay naupo ako upang makapagpahinga at biglang pumasok sa aking isipan ang mga pangyayaring naganap sa mall kanina. Naalala ko si MJ. Cute siya, naisip ko at napangiti ako ng marahan.

Noong nasa escalator kami ay napansin ko na siya at hindi ko inaasahan na magkakabangga pa kami noong paalis na ako.

Biglang namula ang mukha ko nang maisip ko ang tagpong sinalo niya ako at nagkatitigan kami. Ang totoo ay kinabahan ako ng mga oras na iyon dahil akala ko ay babagsak talaga ako sa sahig pero buti na lang ay maagap siya at mabilis akong nasalo. Sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng kung anong kaba sa puso ko kaya nagmadali akong umalis.

Alam ko na ang pangalan niya pero hindi ko alam kung sino talaga siya at kung saan siya nakatira? Magkikita pa kaya kami? Uhm

Sa pagmumuni-muni ko ay bigla akong may naalala. Kinapa ko ang wallet sa bulsa ng aking pants at biglang nagdilim ang expression ng mukha ko nang mapansin kong wala ito. Agad kong naalala si MJ at agad akong nakaramdam ng pagkasuklam sa kanya. Hindi kaya isa siyang mandarambong na mandurukot? Naisip ko. Kasabay nito ay biglang nagbago ang impression ko sa kanya at unti-unti siyang pumangit sa paningin ko. Sinadya niya akong banggain para makuha ang wallet ko. Hindi ko siya mapapatawad!

THIRD PERSON POV

Samantala, buong konsentrasyong pinagmasdan ni Misty si Princess Yvette hanggang sa makalabas ito ng mall at hindi na rin siya naglakas loob pang pigilan ito dahil mukha talaga siyang nagmamadali. At nang wala na ang napakarilag na babae ay saka lamang siya bumalik sa kanyang isip.

Biglang napansin ni Misty ang isang wallet sa kanyang harap. Pinulot niya ito at binuksan upang tingnan kung merong pagkakakilanlan sa may-ari nito. Tumambad ang larawan ng isang napakarilag na babae kasama ang isang babaeng mukhang doble ang edad sa kanya ngunit hindi maitatangging napakarilag din nito. Magkahawig sila kaya napagtanto ni Misty na marahil ay ito ang kaniyang ina.

Hindi nagpatumpik-tumpik si Misty at agad niyang hinabol si Princess Yvette ngunit huli na. Nakita niyang malayo na ang taxi na nagdala kay Princess Yvette.

Napabuntong hininga si Misty. Muli siyang pumasok sa loob ng mall at nagtungo sa food court. Naupo siya at muling binuksan ang wallet ni Princess Yvette upang usisain ang ilan sa kanyang mga ID at pagkakakilanlan. Hindi nagtagal ay nakita ni Misty ang eksaktong address ni Princess Yvette at balak niya itong personal na puntahan upang isauli ang wallet nito. Ngunit bago iyon ay nagtungo muna siya sa comfort room upang ayusin ang sarili. Nang makita niyang pogi at maayos pa rin siya sa paningin niya ay ngumiti siya at kumindat sa sarili sa harap ng salamin.

Lumabas si Misty ng mall at pumara ng taxi upang magtungo sa bahay nina Princess Yvette. Kinakabahan siya ngunit sa kabila nito ay excited din dahil muli niyang makikita ang mala-Diyosang mukha ni Princess Yvette. Nakangiti siya pagbaba ng taxi.

Nakasuot siya ng white rubber shoes, skinny jeans, white tshirts at polo sa ibabaw nito. Mukha siyang malinis tingnan at mas nagmukhang attractive ng tanggalin niya ang kanyang shades at i-slide ito sa kanya ulo.

Tumayo siya sa tapat ng bahay nina Princess Yvette na medyo may kaliitan pero bungalow ito at napakalinis ng paligid na mas pinaganda ng mga halamang namumulaklak sa kapaligiran. Lubhang kaaya-ayang pagmasdan, namangha siya. At napansin rin niyang may isang maliit na tindahan sa harapan nito.

Nilinis ni Misty ang kanyang lalamunan bagi nagsimulang tumawag.

"Tao po!"
"Tao po!"

Hindi nagtagal ay lumabas ang isang napakapgandang pigura. Lubha siyang napakarilag. Si Princess Yvette iyon.

Natigilan siya ng makita si Misty. Mababakas sa mukha niya ang inis.

"MJ narito ka ba para isauli ang wallet ko?" Bungad niya.

"O-oo Princess Yvette." Maikling sagot ni Misty habang kinakabahan.

"Uhm!" Nag-iisip si Princess Yvette bago nagpatuloy.

"Sinadya mo bang kunin sa akin ito?"

Natigilan si Misty at bahagyang nakaramdam ng inis.

"Sa tingin ko ay nahulog mo ito sa mall kanina. Napulot ko ito nang makaalis ka at nang mapagtanto kong sa iyo ito ay agad akong pumarito para isauli ito sa iyo." Detalyadong pahayag ni Misty.

Naiinis siya dahil naisip niya na nagmagandang loob na nga siyang isauli ito ng personal tapos pagdududahan pa ang kanyang katapatan.

Nag-aatubili si Princess Yvette pero maya-maya ay nagliwanag ang mukha niya at agad namula dahil sa pagkapahiya sa sariling pag-iisip.

"Uhm pasensiya na MJ pinag-isipan kita ng masama." Paghingi nito ng paumanhin na napakagat sa kanyang labi dahil sa kahihiyan.

Sa kabilang panig. Bigla namang nawala ang inis ni Misty nang makita niya ang senseridad ng paghingi ng paumanhin ni Princess Yvette.

"Ayos lang." Maikli niyang tugon.

"Sorry talaga."

Napangiti si Misty.

"Ayos nga lang."

Tumingin si Princess Yvette sa mukha ni Misty.

"Uhm gusto mo ba akong maging kaibigan?" Nahihiyang tanong nito.

Nag-isip si Misty bago sumagot.

"Sure friends."

================================

Thank you for reading guys.
Please don't forget to like po. :)

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon