Chapter19: For the first time

215 7 0
                                    

MISTY JANE POV

"Tuesday, please be good to me."
Ito ang laman ng isip ko habang naglalakad kaming tatlo nila Shielo at Sassy papasok ng school.

Napakarami kasing kamalasan ang inabot ko kahapon kaya sana ngayon ay swertehin na.

At para makasiguradong hindi na ako mamalasin ngayon ay gumawa na ako ng assignment sa Geometry para hindi na ulit ako mapatayo at iniwan ko na rin ang cellphone ko sa boarding house para hindi na ako matuksong ilabas yun sa school. Mahirap na, baka mahuli nanaman ako at buong campus na ang ipalinis sa akin.

------------

Narito na ako ngayon sa loob ng class room kasama si Shielo. At maya-maya lamang ay dumating na rin si Mrs. Sandoval, yung adviser at teacher namin sa geometry. Ipinalabas nya sa amin ang aming mga assignment at isa-isa niya kaming nilapitan para pirmahan ang mga ito.

Paglapit nya sa akin ay confident ako na iniabot sa kanya ang assignment ko.

"Aba! May assignment ka yata ngayon Misty ah?" Nakangiti niyang bati sa akin.

"Yes ma'am! For the first time ma'am!" Pagbibiro ko, pero totoo yun! First time talaga akong gumawa ng assignment sa kanya. Hehehe!

"Mabuti naman at may maganda palang epekto ang naging parusa mo kahapon." Tatawa-tawang sambit ng guro ko.

-------------

Pagkatapos nyang mapirmahan ang mga assignment namin ay nagsalita na sya sa harap.

"Ok class! Exchange your assignment with your seatmates now!"

Nagpalitan naman kami ni Shielo ng assignment namin at maya-maya lamang ay nagsimula na kami sa pagcheck dito. Nang matapos ay as usual, perfect score nanaman si Shielo, 10/10 Checked by Misty Jane Amoranto. Siya na talaga ang pinagpala sa katalinuhan.

Pagkatapos macheckan ang aming mga assignment ay isa-isa namang tinawag ni ma'am ang aming mga pangalan para i-record ang mga nakuha naming score.

"Amoranto, Misty Jane." Tawag sa akin ni ma'am.

"Yes ma'am?" Sagot ko.

"Ilan ang score mo sa assignment?" Tanong niya.

"Ma'am, zero ma'am! Sagot ko ulit.

"Zero as in?"

"Yes ma'am 0/10 checked by Shielo Mae Ramirez."

Tawa ng tawa si ma'am dahil sa sinabi ko.

"Ano ba yan Ms. Amoranto, for the first time ka na nga gumawa ng assignment zero pa ang nakuha mo."

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon