Chapter12: Love of my life

280 8 0
                                    

SASSY POV

Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong mahinang paghikbi. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bahagya pa akong nasilaw dahil sa liwanag. Ay umaga na pala, pero teka? Sino kaya yung narinig kong umiiyak? Agad akong lumabas sa kwarto ko at nabungaran ko sa may salas ang tita-mommy kong mugto na ang mga mata sa pag-iyak.

"Mommy? Ano pong nangyari? Bakit kayo umiiyak?" Puno ng pag-aalalang tanong ko.

"Sassy iha, niloko niya ako." Humihikbing tugon nito.

"Ano pong ibig nyong sabihin? Sino ang nanloko sa inyo?"

"Si Vea. Hindi pala sya totoong nasa abroad. Nariyan lamang pala sya naninirahan sa kabilang bayan kasama ang anak niya."

"Po? Paano nyong nalaman? Sino ang nagsabi sa inyo?"

"Kanina ko lang nalaman iha, nang aksidenteng magkita kami sa palengke."

"Pero bakit naman po nya kailangang itago sa inyo kung saan sya naroroon?"

"Yun nga ang ikinasasama ng loob ko eh, kaya nga hindi ko na pinakinggan pa kung anuman ang sasabihin nya. Masyado kasi akong nagulat at nasaktan."

"Pero mommy, mas mabuti po siguro kung hahayaan nyo syang makapagpaliwanag. Hindi naman po nya kayo literal na niloko di ba? Naglihim lang po sya tungkol sa luhar kung saan sya naroroon."

Napaisip naman ang tita-mommy ko dahil sa sinabi ko.

"Hmmm mommy, hahayaan nyo po bang lumipas ang araw na to na hindi kayo nagkakausap?" Dugtong ko pa.

"Hayyy! Siguro nga tama ka iha. Kailangan ko syang harapin dahil hindi rin ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang dahilan nya kung bakit nya ako nagawang lokohin."

"Tama yan mommy, tara na po. Sasamahan ko po kayo."

"Ngayon na ba agad iha? Hindi ba pwedeng maligo muna tayo? Syempre gusto ko rin namang gwapo at presentable akong haharap kay Vea."

Ang mommy ko talaga. Kahit umiiyak nagagawa pang magbiro. Kaya idol ko to eh! Hehe

"Hmmm sabi ko nga mommy. Tara ligo na po tayo. Kawawa naman si tita Vea baka walang nagcocomfort sa kanya ngayon."

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon