MISTY JANE POV
Kakauwi ko lang. Galing ako sa bahay nina Princess Yvette kanina, ngunit hindi rin nagtagal dahil pagkabigay ko ng wallet niya ay agad din akong nagpaalam para umuwi. Nahihiya kasi akong pakiharapan ang ganda niyang kaakit-akit. Tapos hindi rin ako naglakas-loob na kuhanin yung cellphone number niya. Ewan ko ba kung bakit bigla akong natorpe. Nanghihinayang tuloy ako ngayon. Hmmp! Pero di bale na, sa susunod na lang na magkita kami ulit. Magkaibigan naman na kami ngayon eh. Kaya may dahilan na ako para bisitahin siya kapag may pagkakataon.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko sa harapan si nanay at ang mga cute kong kambal na pamangkin. Agad akong nagmano kay nanay at matapos ay pinaghahalikan ang mga cute na bata.
Makalipas ang ilang sandali ay nagtungo na ako sa kwarto ko at agad na humiga. Napagod kasi ako pero ayos lang, masaya naman. bukod kasi sa napatawad na ako ni K-zel ay may nakilala pa akong isang bagong kaibigan sa katauhan ni Princess Yvette.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng inip. Hindi naman kasi ako makatulog. Kaya kinuha ko na lamang yung isang cellphone ko sa drawer, hindi ko kasi ito dinadala kapag umaalis ako. Yung personal cellphone ko ang palaging nasa bulsa ko. Tama dalawa ang cellphone ko. Ang isang ito ay yung ginagamit ko sa pambababae dati pero wala man lang akong natanggap na message o misscall man lang dito ngayon. Hindi katulad dati na halos sumabog na ang cp ko na ito sa dami ng mga messages at misscalls galing sa mga gf at ka flirts ko. Nakakapanibago talaga. Ang lungkot pala nang wala jowa, naisip ko.
Di nagtagal ay isang kalokohan ang pumasok sa isip ko. Meron akong plano. Manghuhula ako ng numero at tatawagan ko. Kung sakaling mag ring at may sumagot ay kakausapin ko ito. Napangiti ako ng makahulugan. Masaya ito.
Madami na akong nai-dial na numero ngunit puro cannot be reach. Medyo nakakaramdam na ako ng inis sa oras na ito. Ngunit muli ay isang bright idea ang pumasok sa isip ko.
Nag dial ako ng numero na eksakto sana sa numero ko pero pinalitan ko lamang ang dulo at di nagtagal ay nag ring ito. Napangiti ako ngunit nang matapos ang ring at walang sumagot ay agad akong napasimangot. Susuko na sana ako sa ideyang ito nang biglang tumunog ang cp ko.1 message received
Mabilis ko itong binuksan at excited kong binasa ang mensahe.
"Hu u?"
Napangisi ako nang mabasa ito. Mukhang jejemon din ah. Hehe
"Ako nga pala si MJ. Taga baryo Magubat. 16years old, single butch. Wag mo sanang masamain ang pang-aabala ko. Wala kasi akong magawa at lubhang naiinip kaya naisip kong manghula ng numero upang tawagan." Mahaba at detalyadong pahayag ko.
"So isa ka palang butch at walang magawa. Kung gusto mo isasali kita sa clan ko. Exclusive for bi, butch & femmes." Reply nya.
Clan? Sa totoo lang ay hindi ko pa nasubukan sumali sa mga clan pero may alam ako tungkol dito kaya hindi ako nag-atubiling magreply sa kanya.
"Sure, sige sasali ako." Excited kong tugon.
Maya-maya ay pinasahan niya ako ng clan form "TEAM LESBIAN" pala ang pangalan ng clan na ito at siya ang founder nito. Nakita ko kasi ang number niya na tinawagan ko kaya nalaman ko at ang codename niya ay Mr.Yoso, so ibig sabihin ay isa pala siyang butch, naisip ko. Tumatango-tango ako sa isip ko nang malaman ang mga impormasyong ito at agad kong sinagutan ang form at ibinalik sa kaniya pagkatapos.
"MJ na lang ba ang codename na gagamitin mo?" Tanong niya sa akin.
Hmm! Nag-isip ako ng taimtim at maya-maya ay may naisip akong isang nakakatuwang codename.
"Cutevoice na lang pala founder." Sagot ko.
"Sige." Maikli niyang tugon.
Maya-maya ay dumaan sa akin ang isang group message galing sa kanya.
(TL)
Founder: MR.YOSO"Please do welcome our newbie:
Cutevoice
Cutevoice
Cutevoice(GM)
Hindi naman nagtagal ay dumagsa ang napakaraming text message sa cp ko.
Tot! Tot! Tot!
Napangiti ako. Ang daming nagwewelcome sa akin. Masaya palang mag clan, naisip ko.
Pinasa ni Founder Mr.Yoso ang list ng members ng clan. Codename at number nila. Ini-save ko ito lahat para sa unang group message ko ng pagpapasalamat.
TEAM LESBIAN
CUTEVOICEMARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAG WELCOME SA AKIN.
CUTEVOICE
16
LES
NUEVA ECIJASANA AY MAG ENJOY AKO DITO. :)
GM.
lumipad ang message ko sa kanilang lahat. Natuwa naman ako sa atensiyon na ipinupukol nila sa akin.
Mabilis na tumakbo ang oras na hindi ko namamalayan dahil nalibang ako sa kaka-GM.
Maya't-maya ay nagpapa-topic sila at lahat kami ay sumasagot.
Naging komportable akong makipagtalakayan sa mga ka-clan ko maliban sa isa.
Palagi niyang kinokontra ang bawat sagot ko sa mga topic. Kung yung iba ay natatawa. Siya naman ay pansin kong palaging nakakontra sa akin.
Umiral ang kakulitan ko at lalo ko siyang inasar ng inasar hanggang sa mamatay siya sa inis haha!
"Ms. Pie.. ikaw ba ay nakakaramdam na ng kaunting pag-ibig para sa akin? Haha! Joke!" Biro ko sa kanya thru GM. at nagtawanan naman ang lahat at kinakantiyawan siya.
Maya-maya ay mayroon agad siyang sagot. Thru GM. din.
"Cutevoice! Asa ka! Kahit ikaw na lang ang tao sa mundo ay hinding hindi kita magugustuhan!"
Napangisi ako.
"Haha! Di ba sabi nila "the more you hate the more you love?"0 Naniniwala ka ba doon Ms. Pie?" Pang-aasar ko thru GM. din.
"Hindi ako naniniwala doon. Bakit ako magkakagusto sa iyo? Ang pangit ng pananaw mo sa buhay." Tagos na tagos sa puso ko. Napasimangot tuloy ako. Pero hindi ako nagpatinag. Bagkus ay nagpatuloy sa pang-aasar.
"Sus! Sabi mo lang yan! 'Pag tumagal sa akin din ang bagsak mo! Haha!"
Tot! Tot!
"Kapal! 'Pag puti ng uwak!" Mukhang pikon na pikon na. Haha
"Oops! Tama na yan baka kung saan pa mapunta ang usapan na yan." Saway sa amin ng founder.
"Pasensiya na founder. Si Ms. Pie kasi palaging galit.
PS. Ms.Pie 'wag ka na magalit baka ka pumangit. Pahabol ko.
GM.
"Grrr! 'Wag kang magpapakita sa akin sa GEB, kakalbohin kita!" Sagot niya.
G na G na siya. Tatahimik muna ako. Mamaya ulit haha.
"Sige! Mamaya na lang ulit. Baka makatay ng wala sa oras! Haha!"
Peace out!
GM.
Nagtawanan ang mga clan mates namin at tinutukso si Ms.Pie.
Samantala, bigla ako nakaramdam ng gutom kaya dumeretso ako ng kusina para magtingin ng makakain.
Masyado akong naaliw sa pang-aasar kay Ms.Pie. kaya hindi ko na namalayan ang oras. Hapon na pala pero hindi pa ako nakapag-lunch.
Ayos lang nag enjoy naman ako sa bagong clan ko. Parang naeexcite tuloy akong umattend ng GEB ng clan para makita sila, lalong lalo na siya.
See you soon Ms. Pie. :)
================================
Thank you for reading guys.
Please don't forget to like po. :)
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...