Chapter21: Pinakbet

204 11 2
                                    

SHIELO MAE POV

"Si Misty? Gusto mo? Seryoso ka ba sis?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Sassy.

"Yup sis, I'm serrious."

"Ano namang nagustuhan mo sa kanya?"

"Hmmm, nagustuhan ko yung kakulitan nya, masarap kasi syang kausap at super sweet pa." Nakangiti niyang tugon.

"Baka naman nabibigla ka lang sis? Baka akala mo lang na gusto mo sya pero hindi naman pala, dahil natutuwa ka lang talaga sa kanya?"

Bigla naman natawa si Sassy dahil sa sinabi ko.

"Hmmmm, sis? Bakit parang hindi ka makapaniwala na may gusto ako sa bestfriend mo? Hindi ka ba boto sa akin para sa kanya?" Pagbibiro niya.

"Ofcourse not sis, sa kanya nga ako hindi boto para sayo eh." Pagtutuwid ko.

"Bakit naman sis?"

"Ah-eh wala naman sis. Masyado ka lang kasing maganda para sa kanya."

Pero sinabi ko lang yun para hindi na sya magtanong pa. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya yung mga kalokohan ni Misty dahil wala naman akong karapatang makialam at pangunahan sila sa desisyon nila.

Alam ko naman kasi na bilang kaibigan ay narito lang ako para sumuporta at magbigay ng payo, pero sa huli sila pa rin ang magdedecide para sa sarili nila. Buhay nila yun eh. Isa pa, may sarili din naman akong buhay na dapat kong intindihin.

"Ikaw ba sis? Wala kapa bang nagugustuhan?" Tanong nya sakin.

"Uhmmm, wala pa naman sis." Pagsisinungaling ko.

"Ah, buti sis hindi ka nagkakagusto sa bestfriend mo?"

Bigla naman akong nasamid dahil sa tanong na yun. Ubo tuloy ako ng ubo.

"Sis, ok ka lang?"

"Ah-oo ok lang ako. Ano ba naman kasing klaseng tanong yun sis? Syempre hindi ako magkakagusto kay Misty dahil bestfriend ko lang yun simula pagkabata."

"Ganun ba sis? Hehe. Naitanong ko lang naman. Pasensya na."

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon