MISTY JANE POV
Nangangatog ang mga binti kong tumayo dahil kinakabahan ako.
"Ms. Amoranto! Wala ka nanamang assignment?" Tanong ni ma'am Sandoval sa akin.
"Ah-eh wala po ma'am eh. Absent po kasi ako nung friday."
"Oh I see. Ang usapan kasi noong last meeting ay tatayo lahat ng walang assignment at hindi sila pwedeng umupo hanggang sa matapos ang subject ko. Pero dahil absent ka naman noong friday ay bibigyan kita ng chance makaupo ngayon."
"Talaga po ma'am?" Tuwang-tuwang sabi ko.
"Oo, pero sa isang kundisyon... Pinutol ni ma'am yung sasabihin nya.
"Ano naman pong kundisyon ma'am?"
"Kailangan mo munang makasagot sa recitation natin, kaya kung alam mo ang sagot sa tanong ko ay magtaas ka agad ng kamay. Maliwanag ba?"
"Yes ma'am." Sagot ko na lang. Pero ang totoo ay nag-aalangan ako.
May masasagot ba naman kaya ako? Eh hindi naman ako nagreview. Haynaku! Ang hirap pa naman ng subject na Geometry. Nakakalugaw ng utak!
Maya-maya ay binulungan ko ang bestfriend kong si Shielo.
"Best tulungan mo ako."
"Tse! Bahala ka dyan para magtanda ka!" Sagot naman niya sa akin.
Tingnan mo tong babae na to. Hindi man lang maawa sakin. Nangangawit na kaya ako sa pagtayo dito. Hayyyyy!
Mga 30minutes na yata akong nakatayo nang mapansin ko kung sino yung nakatayo sa labas ng room namin.
OMG si Sassy! At nakita kong sumisilip pa sya dito sa loob ng room namin.
Hindi nya pwedeng malaman na napatayo ako dahil wala akong assignment dahil baka maturn-off sya sa akin kaya umisip na lang ako ng ibang paraan.
Nagtaas ako ng kamay ng matapos ulit sa pagtatanong yung teacher namin.
"Yes, Ms. Amoranto? Alam mo na ba ang sagot sa tanong ko?
" No ma'am! Pero naiihi na po kasi ako, pwede po ba akong mag CR muna?"
"Ah ok sige, pero 3minutes lang ha? Bumalik ka rin agad."
"Ok ma'am." Sagot ko habang nakangiti. Pero syempre hindi na ako babalik sa room hanggang matapos ang oras ng Geometry. Ano ako hilo? Eh nakakangawit kayang tumayo. Hmmmp!
Narito ako ngayon sa harap ng computer room nakatambay. Tinakasan ko kasi ang parusa ko sa subject na Geometry. Hehehe
Naiinip ako mag-isa dito kaya inilabas ko yung cellphone ko at naglaro na lang ako ng candy crush.
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...