Chapter32: Serriously?

87 4 0
                                    

MISTY JANE POV

"Teka sandali!" Habol ko kay Shielo sabay hila sa braso nya.

Na out balance kami pareho at parang slow motion na bumagsak sa sahig. Ako pahiga at siya naman ay padapa sa akin.

Kasunod nito ay ang aksidenteng pagkakadikit ng aming mga labi na kahit saglit lang ay parang tumigil ang oras ng maramdaman ko ang tila dahan-dahang pagdampi ng malalambot nyang mga labi sa aking mga labi. "Shit! I can't explain how I feel this time." Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natigil lang ang slow motion moment ng biglang lumayo sa akin si Shielo, napatingin ako sa kanya at hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nya pero halata ang matinding pagkagulat at pagkatuliro sa mukha at sa kilos nya. I guess kasi ito yung first kiss nya at sa bestfriend pa nya kya siguro hindi nya alam kung paano sya magrereact. Hayyyy..

"I'm so sorry bes but I am not going to say I'm sorry instead... I love you" bulong ng isip ko.

Natigil lang ako sa pag-iisip ng tulungan akong makabangon ni nanay.

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Okey lang ba kayo?" Tanong nya sa tonong nag-aalala.

"Okey lang po kami nay, wag na po kayong mag-alala." Sagot ko.

Maya-maya ay agad nagpaalam si Shielo kay nanay na maliligo lang daw sya sa banyo na halatang nagmamadali at pagtalikod nya ay napabuntong hininga na lang ako.

"Hayyyy! Ano ang gagawin ko? Parang wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko"

"Serriously? Misty ikaw ba yan?" Singit ng konsensya ko.

"Oo naman ako to, sino pa ba?" Sagot ng isip ko.

"Sus! Nasan na yung maboka at bolerong Misty na kilala ko?" Hirit ng konsensya ko.

"Ay ewan!" Naibulalas ko sabay sabunot ng dalawang kamay sa buhok at ulo ko.

"Anak napano ka?" Si nanay.

Bigla naman akong umayos. Shit! Andito pa pala si nanay.

"Ah wala po nay, ang kati kati po kasi ng ulo ko, kelangan ko na yatang maligo." Palusot ko.

"Oh sige nak maligo ka na bago ka pa mabaliw sa kati ng ulo mo." Biro nya.

Bigla tuloy akong nahiya. Waaaaa..

"Sige po nay maliligo na po ako." Sagot ko na lang. Sabay kamot ng ulo.

Doon na ako naligo sa banyo sa kusina dahil doon naman sa banyo ng kwarto ko naligo si Shielo.

After almost an hour ay tapos na akong maligo. Deretso na ako sa kwarto ko habang nakatapis lang ng twalya at nadatnan ko doon si Shielo habang nakaupo sa gilid ng kama ko at sinusuklay ang basa at mahaba nyang buhok.

"Best" bungad ko.

"Oh best, tapos ka na palang maligo."
Sagot nya na parang walang nangyari kanina.

"O-oo best ah yu-yung tungkol nga pala kanina." Nauutal na sambit ko.

"Ah yung kanina ba? Wag mo nang alalahanin yun best, aksidente lang naman yun di ba? Kalimutan na lang natin." Sagot nya.

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon