Chapter29: Pinakatatagong Sikreto

221 8 0
                                    

MISTY JANE POV

Lunes na ngayon, maaga kaming pumasok sa school. Mabuti naman at ok na si Shielo ngayon. Medyo naaasiwa lang ako kasi gusto ko sana syang tabihan sa paglalakad, ang kaso lang ay nakapagitan naman sa amin si Sassy at nakakawit pa sya sa braso ko. Haynaku!

Pagdating namin sa classroom ay humiwalay na sa amin si Sassy dahil 4th year na sya. Natuwa naman ako dahil masosolo ko na si Shielo ngayon.

"Best, kumusta na ang pakiramdam mo? Ok ka na ba?" Tanong ko sa kanya nang makaupo kami.

"Oo Misty ok na ako kaya wag ka ng mag-alala pa sa akin ok?" Nakangiti niyang tugon sa akin."

"Hi Shielo? Pwede ba akong makitabi sayo?" Singit naman ng kupal.

"Ah sure Michael, walang problema."

Haynaku! Akala ko pa naman ay masosolo ko na si Shielo ngayon pero malas lang dahil meron nanaman palang mang-aagaw-eksena dito. Kainis!

Halos paulit-ulit na lang ang naging daily routine ko. Palagi na lang may sumisingit sa eksena sa tuwing nilalapitan ko si Shielo. Naisip ko tuloy, parang ayaw yata ng tadhana na palapitin ako sa kanya eh. Malamang tutol nga ang kapalaran dahil masyado syang matino para sa isang player na katulad ko. Hayyy!

-----------

Friday na ngayon. Uwian time nanaman kaya busy na kami sa paghahanda ng mga gamit na dadalhin namin pauwi.

"MJ? Sis? Punta kayo bukas ha? Malulungkot ako pag hindi kayo dumating." Paalala ni Sassy sa amin.

"Wag kang mag-alala sis, pupunta kami. Maaga pa lang naroon na kami." Pagtitiyak naman ni Shielo.

"Oo nga, sure yun Sassy. Aagahan namin para makatulong pa kami sa paghahanda mo para sa birthday mo." Sang-ayon ko naman.

"Thanks guys, sige mauna na ako sa inyo ha? Para makapagsimula na ako sa paghahanda pagdating ko sa bahay mamaya."

"Ok Sassy, ingat ka."

Nang makaalis si Sassy ay nagtungo na rin kami ni Shielo sa service namin.

"Best, maaga kang gumising bukas ha? Susunduin kita ng 7am." Bilin sa akin ni Shielo.

"Ok best, 6am pa lang babangon na ako para makaligo pa ako bago tayo umalis."

Nasa biyahe na kami ngayon pauwi sa baryo at nang malapit na ang service sa bahay namin ay nagpaalam na ako kay Shielo.

"Paano best, mauna na ako sayo ha? Bukas na lang ulit."

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon