SHIELO MAE POV
Napasimangot na lang ako ng biglang putulin ni Misty kung anuman ang sasabihin ko dun sa maganda pero estrangherang babae.
Sasabihin ko sanang "Sorry miss, pero wala na kaming bakanteng kwarto dito." Pero bigla na lang sumingit sa usapan ang magaling kong bestfriend. Haynaku! Ang bilis nya talaga basta sa magagandang mga babae kaya nanahimik na lang ako. Alam ko namang wala na rin akong magagawa pa dahil ito ang weakness ng hudas na bestfriend ko. Ang tinutukoy ko lang naman ay yung mga sexy, mapuputi at magagandang mga babae.
Actually lagi nga syang busog sa kasesermon ko pero parang wala lang sa kanya yun. Nakikinig kunwari pero hindi naman tinatanggap. Kumbaga pasok sa isang tenga at labas naman sa kabila. Hayyyyyy! napaka-pasaway talaga! Biruin mo ha? Pati ba naman yung maganda naming teacher na hawig kay Angel Locsin ay pinagpapantasyahan din ng loko! Duh? As if naman may pag-asa sya dun di ba? Bahala na nga sya! Eh kahit isang libong batok pa yata ang gawin ko sa kanya eh talagang hindi na sya magbabago. Hmmmmp!
(BACK TO THE STORY)
Bigla nyang hinila yung babae sa loob ng boarding house at nakita kong pumasok sila sa loob ng kwarto ng magaling kong bestfriend! Oh di ba? Nakakita lang ng magandang chik inichapwera agad ako? Hmmmmp! Nakakainis talaga! Kaya nung nakita kong inihatid nya na sa may labasan yung magandang babae, ayun nakatikim sya sa akin ng pingot. Haha! Buti nga sa kanya!
"Aray!!!! Bakit ba? Para san nanaman ba yun? Tsk!" Angal ng gago habang hinihimas ang tenga nyang namula sa pagpingot ko.
"Para saan? Una, para sa pag-ichapwera mo sa akin! Nakakita ka lang ng magandang chik nakalimutan mo na ang bestfriend mo! Hmmmmp!"
"Asus parang yun lang, galit ka na agad? Hmmmm."
Nakita kong natatawa pa ang loko kaya pinatikman ko pa sya ng isang malakas na batok.
"Aray naman! Napaka-sadista mo talaga kahit kailan! Haist! Masaya ka bang nasasaktan ang bestfriend mo ha?" Hayyyy nagdrama nanaman po sya.
"Tse! Magtigil ka nga dyan! Kulang pa nga yan sayo kung tutuusin eh! Katulad nyan, may nakilala ka nanamang bagong babae. Sana lang hindi na sya dumagdag sa mga babaeng pinaglalaruan mo!"
"Ouch! Sobra ka naman magsalita sa bestfriend mo. Hmmmm... Kasalanan ko ba kung isinilang akong guwapo? Makisig? At kaakit-akit pa?"
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...