MISTY JANE POV
Good morning best!" Todo smile na bati ko sa bestfriend kong si Shielo nang makita ko sya sa kusina habang naghahanda ng agahan.
"Aba? Ang ganda yata ng gising ng bestfriend ko ah? Siguro may nakalandian ka nanamang chik sa panaginip mo kagabi no?"
"Sira! Wala no! Maganda lang talaga ang mood ko ngayon kaya wag mo na munang sirain! Hmmmp!"
"Tse! Wag ka nga dyan! Para namang hindi kita kilala. Eh pag ganyan kaluwang ang ngiti mo alam kong 101% babae ang dahilan! Kaya wag ka ng magdeny kung ayaw mong mapektusan ng wala sa oras!"
Haynaku umiral nanaman po ang katarayan nitong bestfriend ko.
"Hindi nga po ako nanaginip kagabi. Nakatext ko lang si Sassy."
"Ah si Sassy pala? Kawawa naman."
"Paano naman syang naging kawawa?"
"Syempre, next victim mo eh!"
"Hmmmmp! Grabe ka naman sakin! Bestfriend ba talaga kita?"
"Oo bestfriend mo ako! Kaya nga alam na alam ko ang mga kalokohan mo eh!"
"Best gusto ko talaga sya. Wala akong masamang balak sa kanya."
"Gusto? Agad-agad? Eh kakikilala nyo pa lang kahapon ah? Baka gustong pagnasahan kamo!"
"Syempre kasama na rin yun! Hehehe."
"Gago ka talaga! Tsk! Maggayak ka na nga lang dyan. Mali-late na tayo sa klase."
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...