Chapter27: Special lugaw

186 8 0
                                    

MISTY JANE POV

Nalamukos ko na lang ang mukha ko nang makaalis na si Shielo.

"Ano ka ba naman Misty! Ang tanga tanga mo talaga!"

Bigla kasi akong nataranta nung dumating si Shielo kanina kaya kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko para pasinungalingan kung ano talaga ang iniisip ko.

Ang totoo ay iniisip ko sya at ang nararamdaman ko para sa kanya. Iniisip ko lang kung may pag-asa kayang magustuhan nya rin ako? At iniisip ko din kung may pag-asa bang maging kami rin sa huli? Parang mali lang kasi, dahil bestfriend ko sya eh. Pero naisip ko rin naman, ano nga ba ang mali dun? Eh hndi naman kami magpinsan o magkadugo. We are just friends! Kaya sa tingin ko ay wala naman akong dapat ipangamba.

"Hayyy! Shielo. Hindi ko na maitatanggi pa sa sarili ko. Gusto na talaga kita! Feeling ko nga mas matindi pa sa pagkagusto eh. Hindi ko lang matiyak pa sa ngayon. Pero sa oras na makasiguro ako, ipagtatapat ko rin sayo ang lahat."

Mabilis na lumipas ang mga oras. 4PM na ngayon kaya iginayak ko na ang mga gamit na dadalhin ko pauwi ng bayan.

Maya-maya ay nariyan na ang service namin kaya umakyat na ako sa dating pwesto namin ni Shielo.

Nakakapagtaka lang kasi napakatahimik nya ngayon. Hanggang makarating kami sa boarding house ay hindi sya nagsasalita.

Hmmm, ano kaya ang nangyayari sa tao na to?
Nakapasok na kami't lahat, wala pa rin syang kibo. Haynaku! Pero ang nakakatawa lang ay para naman akong nahawa sa katahimikan nya kaya hindi na rin ako nakaimik pa.

Pagkatapos kong maiayos ang mga gamit ko sa kwarto ay tumambay muna ako sa labas ng boarding house para magpahangin.

"Hello MJ? Nag-iisa ka yata sa pagtambay ngayon? Nasaan si Shielo?"

Nagulat pa ako sa biglang pagdating ni Sassy pero agad din naman akong nakabawi.

"Uy! Sassy! Ikaw pala! Ksdarating mo lang?"

"Oo MJ, na-flat kasi yung sinasakyan kong tricycle eh, kaya nagpa-vulcanize pa kami." Nakangiti niyang sagot.

"Ah kaya pala. Uhmmm, si Shielo nga pala, baka naroon pa rin sa kwarto nyo. Parang wala sa mood eh, siguro meron yun ngayon. Hehehe."

"Ah-ok MJ. Sige papasok na muna ako sa loob ha?"

"Wait Sassy, tulungan na kita dyan sa mga dalahin mo."

Kinuha ko sa kamay nya yung mas malaking bag na dala niya at hinatid ko ito hanggang sa loob ng kwarto nila ni Shielo.

"Thanks MJ ha? Napaka-maginoo mo talaga."

"Ah wala yun Sassy, maliit na bagay."

Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Shielo. Nakahiga sya ngayon at nakakumot pa kaya agad ko syang nilapitan. Umupo ako sa gilid ng kama saka ko hinawakan ang dalawang pisngi nya.

THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon