MISTY JANE POV
(SATURDAY)
Nagtungo ako sa bahay nina K-zel ngunit pagdating ko doon ay ang kanyang ina lamang ang aking nadatnan doon. Ayon kay tita ay wala daw si K-zel doon at nagpunta siya sa pinakamalapit na mall dahil may kailangan daw siyang bilhin at kakaalis-alis lamang nito. Hindi naman ako nag-atubili at nagpaalam ako kay tita na susundan ko si K-zel doon. Hindi na kasi ako makapaghintay sa kanyang pag-uwe.
Pagpasok ko sa mall ay hinanap ko si K-zel ng aking mga mata. Hindi ko siya natagpuan sa unang palapag kaya nagtungo ako sa ikalawang palapag. Sumakay ako sa escalator paakyat at akmang napatingin ako sa tapat na pababang escalator ay agad akong natigilan. Nakakita ako sa aking tapat ng isang napakagandang pigura na angat sa lahat. Walang tamang salita para mailarawan kung gaano siya kaganda at kaakit-akit. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata dahil akala ko nung una ay namamalikmata lamang ako, ngunit totoo. Kung si Sassy ay isang anghel, Ang babaeng ito ay isang Diyosa. Labis akong namamangha at halos mabali ang leeg ko sa paglingon sa kanya ng siya'y ganap na makababa sa first floor kasunod nito ay narito na rin ako sa second floor. Gusto ko sanang sumakay sa escalator upang bumabang muli para habulin siya, ngunit narealized ko na hindi ko nga pala siya kakilala. Napakamot na lang ako sa aking ulo at agad kong naalala na narito nga pala ako para kay K-zel. Gayunpaman ay maliwanag pa rin ang imahe ng Diyosang iyon sa aking isipan. Napabuntong hininga na lang ako sa kakatwang pangyayaring iyon at ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paghahanap kay K-zel.
Maya-maya ay nakita ko si K-zel sa isang bilihan ng cellphone at nakita kong hindi sya nag-iisa. May kasama siyang isang babae na tila pamilyar sa akin at nagulat ako ng mapagtanto kong si Sassy ito. Bandang huli ay narealized ko rin na magkakilala nga pala silang dalawa dahil noong nakaraang linggo ay umattend si K-zel sa birthday ni Sassy, kung saan nabuking nila ang pinakatatago-tago kung sikreto.
Noong una ay nag-atubili akong lapitan sila, pero naalala kong ok na nga pala kami ni Sassy. At naisip kong baka matulungan pa nga niya ako upang agad na mapatawad ni K-zel. Kabado akong lumapit sa kanila at napansin kong agad na napasimangot si K-zel nang makita niya ako. Napalunok ako ng maramdaman kong galit pa rin siya sa akin. Hindi ako naglakas-loob na magsalita at feeling ko ay nalunok ko ang boses ko. Nagpalitan ng tingin ang dalawang kababaihan at tila nag-usap at nagkaintindihan sila sa mga simpleng sulyap na iyon. Maya-maya ay nagpaalam si Sassy na sa comfort room daw muna siya. Mas lalo akong kinabahan ngunit nilakasan ko ang aking loob pag alis niya. Lumapit ako kay K-zel at taos pusong humingi ng kapatawaran. Buong pagpapakumbaba akong yumuko sa kanya.
"K-zel nakikiusap ako sayo, mangyaring patawarin mo ako." Pagsusumamo ko sa kaniya.
Walang emosyon siyang tumingin sa akin, ngunit nang makita niya ang namumuong luha sa sulok ng aking mga mata ay napansin kong dahan-dahang nagbago ang expression nya. At paglipas ng ilang sandali ay tiningnan niya ako kung paano niya ako tingnan nung mga panahon na hindi pa niya alam ang lahat. Punong-puno ng pagkasabik at pagmamahal sa tuwing makikita niya ako. Gayunpaman biglang sumilip ang lungkot sa kanyang mga mata. Sa mga oras na yun, tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Nagsisisi ako sa lahat ng mga pagkakamali ko. At yumuko ako dahil hindi ko matagalang makita ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
Maya-maya ay natigilan ako nang humakbang siya papalapit sa akin at di sinasadyang yakapin ako ng mahigpit.
"Misty galit ako sayo, sobrang galit ako sayo dahil niloko mo ako, pero di ko maitatanggi na sa kabila ng lahat ay mahal pa rin kita." Nanginginig ang boses niya habang umiiyak nang sabihin yun.
Naantig ang puso ko at lalong dumaloy ang luha sa aking mata.
"Patawarin mo ako K-zel."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at marahang sinabi.
"Pinapatawad na kita Misty ngunit nakikiusap ako sayo na kung maari ay huwag ka na munang magpapakita sa akin. Hayaan mong makalimutan ko ang lahat ng sakit na naidulot mo sa akin." Malungkot niyang pahayag sa akin.
"Iginagalang ko ang iyong pasya K-zel, maraming salamat at pinatawad mo ako." Tugon ko habang lumuluha pa rin.
Maya-maya ay naglakad na ako papalayo. Masaya akong napatawad niya ako ngunit sa kabila nito ay malungkot rin. Minsan pa ay muli akong lumingon sa kanya at lubos akong nalulumbay dahil alam mamimiss ko siya ng sobra.
Wala ako sa isip na naglalakad at hindi ko napansin ang isang babaeng nasa harapan ko. Nabunggo ko sya. Nagulat ako at agad nagbalik sa ulirat. Matutumba siya kaya agad agad ko siyang sinalo. Maya-maya ay gulat na gulat ako nang mapagtanto ko kung sino ang taong ito. Napatitig ako sa napakaamo niyang mukha sa malapitan. Hindi nakakasawa ang taglay niyang kagandahan. Halos lumabas ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok nito. Siya ang Diyosang nakita ko sa escalator kanina.
"So-sorry miss." Nauutal kong paghingi ng paumanhin nang maitayo ko siya.
Napansin kong namumula ang mukha niya. halatang nahihiya siya sa nangyari. Napaka inosente ng kanyang mapupungay na mga mata.
"Ah, ayos lang, pasensiya na rin kasi hindi kita nakitang paparating." Natigilan ako ng marinig ko ang kanyang tinig. Napakalambing ng kanyang boses na lubhang bumagay sa kanyang mala-Diyosang kagandahan. Bukod dito ay mukhang napakabait niya rin.
Medyo nawala ang kaba ko ng mapagtanto kong mabait siya at hindi suplada. Ngumiti ako sa kanya.
"Ok lang miss. Uhm" Inipon ko ang lakas ng loob bago ko ipinagpatuloy.
"Pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?" Nahihiya kong tanong.
Ngumiti siya.
"Princess Yvette" Tugon niya.
Wow maging ang kanyang pangalan ay bagay na bagay sa kanyang kagandahan. Naisip ko.
"Napakagandang pangalan." Papuri ko.
"Ako naman si MJ." Pagpapakilala ko sa aking sarili. Hindi ko na binigkas ang buo kong pangalan dahil nakakahiya sa kanya. Kahit papaano ay pogi rin naman ako kaya hindi bagay sa pang maganda kong pangalan.
Nakipagkamay ako sa kaniya at inabot naman niya ang kanyang kamay sa akin. Napakalambot nang kanyang kamay, gusto ko sanang halikan ito. Ngunit natigilan ako ng maalala kong magbabagong buhay na nga pala ako. Agad kong binitawan ang kanyang kamay pagkatapos ko itong pisilin.
Ngumiti ako.
"Nice to meet you Princess Yvette."
================================
Thank you for reading guys.
Don't forget to like po. :)
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...