MISTY JANE POV
Lumipas ang nga araw na masyado akong nahumaling sa bago kong Clan.
Kahit sa school, sa oras ng recess at lunch break ay excited ko palaging binubuksan ang aking cellphone upang mang trip sa mga clanmates ko at syempre lalo kong nararamdaman na parang hindi na kompleto ang araw ko kapag hindi ko naaasar si Ms.Pie. ;)Nagtatakang tumingin sa akin si Shielo nang makita niya akong ngumingiting mag-isa.
"Hoy! Misty! Nasisiraan ka na ba ng bait?" Singhal niya sa akin habang nakatingin sa akin ng masama. Alam ko na ang kasunod nito. Siguradong babatukan nanaman ako kaya mabilis akong lumayo sa kanya.
Nagtataka siguro siya kung bakit ako masaya samantalang noong mga nakaraang araw ay palagi akong malungkot.
Tumatawa akong sumagot.
"Bakit ayaw mo bang makitang masaya ang bestfriend mo?"
Inirapan niya ako.
"Sigurado babae nanaman yan eh. Hindi ka pa ba natututo ng isang aralin?" Simangot niyang tugon.
Mas lalo akong tumawa.
"Kapag ba masaya ako, babae agad ang dahilan? Hindi ba pwedeng nagkaroon lang ako ng maraming mga bagong kaibigan? Haha!"
"Hmp! Siguraduhin mo lang! Kung hindi lagot ka sa akin!" Pagmamaktol niya.
Ngumiti ako.
"Oo naman!" Sabay kindat ko sa kanya.
Kahit kailan talaga kontrabida siya sa buhay ko. Pero ayos lang kasi siya pa rin ang best supporting bestfriend sa akin sa oras ng pangangailangan.
Kamakailan lamang ay narealized ko rin na mas gusto ko siyang manatili sa tabi ko bilang isang matalik kong kaibigan. Kaya unti-unti ay naiwaksi ko ang damdamin ko para sa kaniya. Mas gusto ko yung ganito. Masaya lang. :)
Nagdaan ang mga araw at buwan. Nalaman ko mula kay Shielo na unti-unti na daw nahuhulog ang loob niya para kay Michael at hinihingi niya sa akin ang isang approval kung pwede na ba niya itong sagutin.
Natigilan ako sa nalaman ko. Bahagya ay pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kinapa ko ang puso ko pero napangiti ako dahil hindi ako nasasaktan. Ibig bang sabihin ay puppy love lamang ang naramdaman ko dati para kay Shielo? Naisip ko.
"Shielo, hindi mo na kailangan pang hingin ang approval ko. Kung iyon talaga ang iyong nais ay hindi ako tumututol dito."
Ngumiti si Shielo sa akin.
"Salamat Misty."
Ngumiti din ako.
"Basta siguraduhin mo lang na hindi ka sasaktan ng taong iyan ha! Kung hindi... Bubugbogin ko talaga yan!" Pagbabanta ko sabay sapo ng kamao.
Tumawa siya sa sinabi ko.
"Oo naman!"
Maya-maya syempre tutok nanaman ako sa cellphone ko. May mga ilan na member ng clan ang nakakausap ko na rin thru PM o personal mesaage. Tapos kapag may pagkakataon ay sumasali ako sa tinatawag na conference call. Kahit magulo at hindi halos magkaintindihan dahil madaming naka-connect sa isang line ay natutuwa pa rin akong pakinggan ang mga boses nila.
"Si cutevoice." Naka connect pero hindi nagsasalita.." pansin ng ilan na mga naging kaibigan at kaclose ko na. Datapwat hindi ko pa sila nakikita ng personal. Currious din ako sa kung ano ang mga itsura nila. Pero kahit ano, ayos lang. Basta mabait sila sa akin ay magiging mabait din ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomansaSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...