K-ZEL POV
"K-zel anak, gusto mo bang sumama sa akin sa pamamalengke?" Aya sa akin ni mama. Napansin nya siguro ang paglulungkut-lungkutan ko buhat ng makaalis si Misty kanina.
"Sige po ma, sasama po ako sa inyo." Sagot ko naman. Nakakainip din kasi mag-isa dito sa bahay eh.
"Oh sige anak, gumayak ka na at ng makaalis na tayo."
Nang makagayak na kami ay pumara na si mama ng tricycle na masasakyan namin patungong bayan. Tuwing sabado kasi ang araw namin sa pamamalengke. Binibili na namin sa araw na ito ang lahat ng kakailanganin sa loob ng isang linggo para makatipid sa oras at sa pamasahe na rin.
Pagdating namin sa palengke ay dumiretso agad kami sa suki naming grocery store. Pagkatapos ay nagsimula na kami sa paniningin ng mga sariwang gulay, prutas at karne.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Bigla kasing humilab ang tiyan ko kaya nagpaalam muna ako kay mama para mag banyo.
"Ma, CR lang po muna ako."
"Ah sige anak lumarga ka na, masama ang nagpipigil baka biglang sumabog yan." Pagbibiro niya.
"Sabi ko nga ma. Hehehe"
------------
After ten years ay nakaraos na ako. "Hayyy sa wakas success!"
Naglalakad na ako ngayon pabalik sa kinaroroonan ni mama pero bahagya akong napatigil ng makita kong may kausap syang isang estranghero. Pero teka lang, bakit parang inaaway nya yung mama ko? Nagmadali tuloy akong lumapit sa kanila para ipagtanggol si mama laban sa taong umaaway sa kanya pero sa paglapit ko ay nagulat ako ng makita kong umiiyak yung tao. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagdaramdam at ang matinding galit para sa mama ko. Pero bakit naman sya magagalit sa mama ko? Sino ba ang taong ito? Magkaanu-ano kaya sila ni mama? Kilala kaya sya ni mama?
Napakaraming katanungan ang biglang nagsulputan sa isip ko kaya hindi ko namalayan na nakaalis na pala yung tao na hindi ko man lang nagawang magsalita. Nagulat na lang ako ng biglang yumakap sa akin si mama at halos humagulgol siya sa balikat ko. Niyakap ko na lang din siya at hinaplus-haplos ko ang likod niya para kahit papaano ay gumaan ang bigat ng nararamdaman nya ngayon.
Hindi ko alam ang dahilan ng pagluha ni mama pero nararamdaman kong kailangang kailangan nya ng makakaramay ngayon at alam kong ako yun.
Marami akong gustong malaman tungkol sa taong kausap ni mama kanina. Feeling ko kasi ay parang ang lalim ng ugnayan nilang dalawa. Pero mamaya na lang ako magtatanong kapag ok na si mama.
Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na rin si mama at dito na ako nagsimula sa pagtatanong sa kanya para maliwanagan na rin ang isip ko.
"Ma, sino po ba yung tao na yun? Kaanu-ano nyo sya? Bakit nya kayo inaaway? Sunud-sunod na tanong ko.
" Anak, ang pangalan nys ay Chin. Kilala ka nya pero itinago ko sya sayo."
BINABASA MO ANG
THE BEST BUTCH PLAYER (GirlxGirl)
RomanceSi Misty Jane also known as "MJ" ay isang tomboy na mahilig maglaro. Pero hindi literal na laro ang nilalaro niya kundi ang damdamin ng mga babaeng kanyang napapaibig. Pero kahit ganun ay may parte pa rin sa pagkatao niya ang naghahangad matagpuan a...